Mar 072013

Statement of Iraq Solidarity





We, representatives of various organizations in the Philippines, have formed ourselves into a solidarity alliance called “Iraq Solidarity” in support of the Iraqi people’s intensifying struggle against the illegal occupation of their land and to demand the withdrawal of US, British and other allied troops from Iraq. From our own government, we demand the immediate pullout of Philippine troops in Iraq.


We raise these demands as the body count to this illegal war and occupation continue to pile up. In the first three weeks of April alone, more than 1,000 Iraqis, most of them civilians, and at least 110 U.S. soldiers have been killed.


Support the Iraqi Peoples’ Resistance


Over the past few weeks, we have seen the conflict in Iraq intensify as the resistance to the illegal US-led occupation continues to gather strength and unity.


March 20 marked one-year after the invasion of Iraq. Saddam Hussein has been captured and is now a prisoner of the United States government. And yet, no weapons of mass destruction have been found. Today, the illegal occupation of Iraq has led to an uprising of the Iraqi people mobilized, organized and armed, united around a single unmistakable demand: an end to US-led occupation.


The US government has called the uprising a handiwork of a small group of “thugs, goons” and mainly “foreign fighters” and has even tried to link it to Osama bin Laden’s al Qaida network. But news reports, even from journalists who were “embedded” with the occupation army and supported the invasion, describe an armed uprising backed by millions of Iraqis: workers, students, shopkeepers, women, children and especially, the youth. Journalists describe children as young as ten and thirteen, as well as women, who have taken up arms against the occupation.


Several cities in Iraq are now no-go zones for occupation troops and are under the control of a people armed. News reports are streaming through of the occupation forces losing control of Fallujah, Najaf, Kufa, Kerbala: names of cities previously unknown to many of us, but are now known around the world as battlegrounds of the continuing resistance


The US-led coalition is determined to crush the uprising at any cost. This is crucial to the US imperialist agenda: a) because they have huge economic interests at stake as they attempt to control one of the largest source of oil in the world, Iraq, in a region, the Middle East, strategically crucial to US and other imperialist interests; b) to deepen and expand US political and military control over the Middle East; and c) to gain market access and control over Iraq’s economy as part of its neoliberal globalization project..


The US army, the most powerful military force on earth, is responding with brutal force against the Iraqi people resisting occupation with whatever means they possess. In a chilling declaration of their intent to crush the people’s uprising, the Bush administration has named its military operation in Iraq “Operation Resolute Sword”.


Fallujah is a symbol of the people’s resistance. In one week the US-led occupation forces killed over 600 Iraqis, including hundreds of women and children, as they tried to retake control of the city. Some 60,000 refugees, one-third of the cities population, have fled the city to Baghdad. There are eyewitness reports of US B52 bombers being used to attack people as they fled.


The US government announced a much publicized eight-hour “cease fire” to negotiate with the resistance. But even during this declared break in the fighting, US snipers were taking shots at people’s heads, killing several, including many women.


News reports also state that the resistance has united the two main Muslim communities in Iraq. The erstwhile divided Shia and the Sunnis, have united and are now fighting together as one.. In Fallujah, a Sunni city, thousands of Shia across the country are donating blood in a dramatic show of solidarity, for their Sunni brothers and sisters fighting in Fallujah.


RP troops, out of Iraq now!


Amidst all this, there are Filipino forces, sent by the government of Gloria Macapagal-Arroyo, serving on the side of the US occupiers against a people fighting to liberate their country, from those former colonial powers that Filipinos fought against in their quest for genuine national liberation


Our government claims that the Filipino forces are non-combat troops and that they are in Iraq for “humanitarian” reasons. There is no middle ground in occupation and uprising. In Iraq you are either with the occupation or against it. It is also clear to everyone that the GMA government sent the Filipino forces in Iraq in line with its all-out support to George Bush’s “War on terror”. In Iraq, our troops are viewed as mercenaries, fighting a war for money and profit.


The action of the GMA government is not only shamefully illegal, it is also dangerous! It is because of this regime’s support for the US “war on terror” (which has also been described as the Bush administration’s “War of Terror”), which is a code for colonial-style occupation to advance imperialist interests, that the Philippines is under threat of retaliatory Madrid-style terrorist bombings. The Madrid bombings have, in fact, led to the electoral collapse of the Spanish ruling party and the newly elected Zapatero government’s decision to pullout Spanish troops from Iraq.


The Bush administration has threatened economic sanctions against the Philippines if Philippine troops are pulled out of Iraq. This is tantamount to blackmail and a gross violation of national sovereignty. A genuinely sovereign nation must have the right to decide its own foreign policy without being dictated to by any foreign power.


We call on the Arroyo administration to immediately withdraw support to the US-led “war on terror” and to pull out the Philippine troops from Iraq now.We also demand from the GMA government that it ensures the safety of Filipino workers whose lives are in danger in Iraq and secure safe passage for those who want to leave the country.


We call on everyone to join us in solidarity actions to show our support for the Iraqi people and their resistance against the occupation so that they can achieve genuine national sovereignty and freedom.


April 23, 2004


Signatories: as of April 26

Justice, Peace and Integrity of Creation Commission of the Association of Major Religious Superiors

in the Philippines (JPICC-AMRSP)

Focus on the Global South (Philippines)

Young Moro Professionals Network

Gathering for Peace

Peace Camp

Institute for Popular Democracy (IPD)

Bukluran ng Maggagawang Pilipino (BMP)



Anti-Globalization Movement (AGM)


Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (KPD)

Samahang Demokratiko ng Kabataaan (SDK)

Youth for Nationalism and Democracy (YND)


Resource Center for People’s Development (RCPD)

Freedom from Debt Coalition (FDC)


Gazton Z. Ortigas Peace Institute

Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN)

Partido ng Manggagawa (PM).

Center for Agrarian Reform Empowerment and Transformation (CARET)

Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid (PKMM)

League of Urban Poor for Action (LUPA)

Pagkakaisa ng Kababaihan (KAISA KA)

Nuclear Free Philippines Coalition (NFPC)

Teatrong Bayan

Progresibong Alyansa ng Mangigngisda (PANGISDA)

Confederation for Freedom and Democracy (CONFREEDEM)

Women’s Education, Development and Productivity, Research and Advocacy Organization

People’s Task Force for Bases Clean Up Philippines






********** Statement of Iraq Solidarity – In Filipino **********


Pahayag ng Pakikiisa sa Iraq





Kami, mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon sa Pilipinas, ay nagbubuklod sa isang pangkapatirang alyansang tinatawag na “Iraq Solidarity” bilang suporta sa tumitinding pakikibaka ng mamamayang Iraqi laban sa iligal na pananakop ng kanilang lupain at sa kanilang panawagan na umalis ang tropa ng US, Britanya at mga kaalyadong pwersa nito sa Iraq. Nananawagan din kami sa pamahalaan ng Pilipinas na kagyat na pabalikin ang mga sundalong Pilipino nasa Iraq.


Isinusulong namin ang panawagang ito habang patuloy na dumarami ang namamatay sa iligal ng gyera at pananakop sa Iraq. Sa unang tatlong linggo ng Abril pa lamang, mahigit 1,000 Iraqi, karamiha’y sibilyan, at 110 sundalong Amerikano ang namamatay.

Suportahan ang paglaban ng mamamayang Iraqi


Nitong mga nakaraang linggo, nakita natin ang pagtindi pa ng tunggalian sa Iraq habang tuluy-tuloy na lumalakas at nagkakaisa ang paglaban sa iligal na okupasyon sa Iraq.


Isang taon na noong Marso 20 ang pananakalay sa Iraq. Nadakip na si Saddam Hussein at ipinipiit ngayon ng gubyernong US. Sa kabila nito, wala pa ring natatagpuang weapons of mass destruction (o sandata sa malawakang pagpuksa). Ngayon, ang iligal na okupasyon sa Iraq ay nagluluwal ng pag-aalsa ng mamamayang Iraqi na kumikilos, organisado, armado at nagkakaisa sa di-mapasusubaliang panawagan: wakasan ang pananakop sa Iraq na pinumumunuan ng US.


Tinagurian ng gubyernong US na gawa ng maliit na grupo ng mga “maton at sanggano” at karamiha’y mga “dayuhang mandirigma” ang pag-aalsa at tinangka pa itong iugnay sa organisasyon ng al Qaida ni Osama bin Laden. Pero inilalarawan sa mga ulat, kahit ng mga mamamahayag na “nakasanib” sa mga hukbong nananakop at nagtataguyod sa pananalakay, ang isang armadong pag-aalsang suportado ng milyon-milyong Iraqi: manggagawa, istudyante, maliliit na negosyante, kababaihan, at laluna ang mga kabataan. Inilalarawan ng mga mamamahayag ang mga batang edad 10-13, pati mga kababaihan, na nag-aarmas para labanan ang okupasyon.


Ilang syudad sa Iraq ang di na mapasok ng mga sumasalakay na tropa at nasa ilalim na ng kontrol ng armadong mamamayan. Walang humpay ang mga balita sa pagkawala ng kontrol ng mga mananakop na pwersa sa Fallujah, Najaf, Kufa, Kerbala: mga syudad na dati’y di alam ng marami sa atin, pero kilala na ngayon sa buong mundo.


Pero determinado ang koalisyong pinangungunahan ng US na durugin ang pag-aalsa sa kahit anong paraan. Susi ito sa imperyalistang layunin: (a) dahil malaking pang-ekonomyang interes nila ang nakataya habang tinatangka nilang kontrolin ang isa sa pinakamalaking suplay ng langis sa daigdig — sa Iraq, sa isang rehiyong mayaman sa langis ¬– ang Gitnang Silangan, na may pangmatagalang kahalagahan para sa US at iba pang imperyalistang bansa; at (b) para palalimin at palawakin ang paggamit at pagkontol sa ekonomya ng Iraq bilang bahagi ng neoliberal na globalisasyon.


Tinutungunan ng matinding kalupitan ng hukbo ng US — ang pinakamakapangyarihang pwersang militar sa buong mundo gamit ang lahat ng pwedeng gamitin, ang mamamayang Iraqi na lumalaban sa pananakop. Sa isang nakatatakot na pahayag ng kanilang intensyong durugin ang pag-aalsa ng mga Iraqi, tinagurian ng administrasyong Bush ang operasyong militar sa Iraq na “Operation Resolute Sword.”


Kinakatawan ng Fallujah ang paglaban ng mamamayan. Sa loob ng isang linggo, pinatay ng mga tropang US ang mahigit 600 Iraqi kabilang ang mga kababaihan at bata, habang tinatangka nilang bawiin ang kontrol sa buong syudad. Mahigit 60,000 refugees o ikatlong bahagi ng populasyon ng syudad, ang lumikas na sa Baghdad. May mga ulat na binomba sila ng US B52 habang lumilikas.


Ipinagyayabang ng US ang walong oras na “tigil-putukan” para makipagnegosasyon sa mga nag-aalsa. Pero kahit sa loob ng panahong ito, namamaril ang mga Amerikanong snipers at may ilang napatay kabilang ang kababaihan.

Ayon din sa mga ulat, nagkakaisa sa paglaban ang dalawang pangunahing grupong Muslim sa Iraq. Nagkakaisa ngayon at magkasamang lumalaban ang dating hati na Shia at Sunni. Tanda ng kanilang pagkakaisa, libu-libong Shia sa buong Iraq ang nagbibigay ng dugo para sa kanilang mga kapatid na Sunni na nakikidigma sa Fallujah.


Pabalikin ang mga Tropang Pinoy sa Iraq, Ngayon Na!


Sa gitna ng lahat ng ito, naglilingkod ang mga tropang Pilipino na ipinadala ng gubyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Iraq sa panig ng mananakop na Amerikano laban sa mamamayang nakikibaka para palayain ang kanilang bansa mula sa mismong mga kapangyarihang kolonyal na nilabanan ng mga Pilipino sa kanilang paghahangad ng tunay na pambansang kalayaan.


Ayon sa administrasyong Arroyo, ipinadala ang tropang Pilipino sa Iraq hindi para lumaban kundi para sa mga kadahilanang makatao o humanitarian reasons. Sa panahon ng pananakop at pag-aalsa, walang pwedeng lumagay sa gitna o maging nyutral. Sa Iraq, kung hindi ka kapanalig, ikaw ay kalaban ng mga mananakop. Malinaw rin sa lahat na ipinadala ni GMA ang mga tropang Pilipino sa Iraq bilang bahagi ng masugid na pagtataguyod nito ng “gyera laban sa terorismo” ni George Bush. Mersenaryo ang tingin sa mga sundalong Pilipino sa Iraq, lumalaban dahil sa pera at pakinabang.


Di lang nakahihiya ang iligal na aksyon ng administrasyong GMA, lubha rin itong mapanganib! Dahil sa suporta nito sa “gyera laban sa terorismo” ¬ng administrasyon ni Bush na bansag lang sa pananakop para isulong ang imperyalistang interes, kaya namemeligro ang Pilipinas ngayon sa ganting pambobomba gaya ng nangyari sa Madrid. Katunayan, itinulak ng pambobomba sa Madrid ang pagkatalo sa eleksyon ng administrasyon sa Espanya at ang desisyon ng bagong halal na gubyernong Zapatero na pauwiin ang mga tropang Espanyol mula sa Iraq.


Nagbabanta ng mga pang-ekonomyang panggigipit ang administrasyong Bush kung iatras ng Pilipinas ang tropa nito na nasa Iraq. Ito’y malinaw na blackmail at garapalang paglabag sa ating pambansang soberenya. Ang isang tunay na soberenyang bansa ay may karapatang pagpasyahan ang sarili nitong patakarang panlabas nang hindi nadidiktahan ng sinumang dayuhang kapangyarihan.


Nananawagan kami sa administrasyong Arroyo na kagyat itigil ang suporta nito sa “gyera laban sa terorismo” ni Bush at pauwiin sa lalong madaling panahon ang mga sundalong Pilipinong nasa Iraq. Nananawagan kami sa pamahalaang Arroyo na tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawang nakukupot ngayon sa Iraq at nanganganib ang buhay at tiyakin ang ligtas na pag-uwi ng mga nais lumisan sa Iraq.

Nananawagan kami sa lahat na lumahok sa mga pagkilos na gagawin bilang pakikiisa sa mamamayang Iraqi at sa kanilang pakikibaka laban sa okupasyon at para magkamit sila ng tunay na pambansang soberenya at kalayaan.###



Abril 23, 2004







The date posted here is due to our website rebuild, it does not reflect the original date this article was posted. This article was originally posted in Yonip on May 2nd 2004




To view more articles in this category click on the Image



Sorry, the comment form is closed at this time.