Feb 262013
 

This is a poem in Pilipino written by Prof. Angelita Lutero of the Marawi State  University in General Santos City. She read it during the Symposium last Feb.  2008 on U.S. Military Intervention in Mindanao where Prof. Roland Simbulan was  the guest speaker.

 

Dapat Ba O Di Dapat?

ni Prof. Angelita Sta. Maria Lutero

 

Dapat bang makialam pa lalo si Uncle Sam?

Sa problemang politikal, sa sikmurang kumakalam?

Sa programang US Aid daw, Pilipinas tutulungan

Libreng gamot peke naman, edukasyon, pang Express Processing Zone.

 

Makabagong paliparan, malalim na daungan

Malawak ring fishport, sentro daw ng kalakalan

Di kaya paliparan sa banyagang kapakanan

Pagka’t banyaga’y lalapag, matiwasay at mainam?

 

Di kaya ang daungang ubod-lalim sa kanilang gyera gagamitin

‘pagkat sandatahang lakas natin pinasusunod inaangkin?

Di kaya sa pagtulong kapalit ating kalayaan

Lumad nasa tuktok, sila’y nasa kapatagan?

 

Kung kaya’t patuloy walang katapusang balikatan

Mula Aparri hanggang Jolo, pati sa Cagayan

Ehersisyo sa sandata, sa night Vision na no vision!

Sundalong si Juan, napagkamalang usa, hayun napuruhan!

 

Surplus na eroplano, bulok na helicopter na panggyera’y ipinagkaloob

Saglit na lilipad agad na babagsak sa Pilipinong kabahayan

Namatay na si Juan pamilya’y walang korteng sasampahan

Pag nagkatao’y kalaban mong pamahalaan mapapaaga iyong kamatayan.

 

Nabanggit na kamatayan sobrang daming pagpaslang

Ng mamamayang militante, lider-estudyante, gurong makabayan

CPP-NPA, terorista raw lahat may kagagawan

Nagsalita United Nations, pulitiko, opisyal at naka-uniporme ang namamaslang.

 

Kundangan kasi si Gloria, permanenteng naglalaba

Kinlorox na si Garci, si Bolante at ZTE

Di naman binalasa, makunat na Esperon

Inabduct si Jun Lozada, tusong pulis na si Razon.

 

Pati paglalaba, pinakialaman ng Amerika

Tuloy hayun Malakanyang buhul-buhol sa problema

Samantalang first gentleman, pangiti-ngiti, kunwa’y mahinahon

Kristo pala sa sabungan, o delubyo ng panahon!

 

Gumuguhong Gloria, utos rin ba ng Amerika?

Kumpas na mahika’y mali, o nalimutan ang formula

Kay sama mo Fairy God Amerika,

panggigipit ay sobra

Pinagsamantalahan na si Nicole,

dinapurak ekonomiya

binusabos pa lupang mana!

 

Mamamayan gumising palayasin mga matsing

Mayaman kanilang bansa, bakit ati’y sasairin?

Nagdiringas na palasyo sa katiwalia’y putulin

Inang Bayan buto’t balat, katahimika’y kalembangin.

 

Sagot sa maraming tanong, tinuturo ng kasayasayan

Lokasyon ng Pilipinas sa Asya-Pasipiko sakdal inam

Armory ng sangkapyera, base at lungga ng sandata

Ay ambot Juan, ikaw gid matata!

 

Lupang habilin, mayamang Mindanao

Dinusta’t binusabos ng Banyagang Magnanakaw

Pangarap ni Juan, malayong matanaw

Kabuhayan ni Islaw, lagging lubog di lilitaw

 

Mindanaw, Lupang Pangako, di kailanman isusuko

Sa banyagang estado, mapag-api’t walang puso

Mambabatas, mga lider, estudyante, kapwa guro

Magbarug, Magpatuon/Mindanawans karon na jud maoy ti-on!

 

The date posted here is due to our website rebuild, it does not reflect the original date this article was posted. This article was originally posted in Yonip on Mar 3rd 2008

To view more articles in this category click on the Image.

   

 

Sorry, the comment form is closed at this time.