The
Philippines renounces war as an instrument of national policy, adopts the
generally-accepted principles of international law as part of the law of the
land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom,
cooperation and amity with all nations.
-Sec. 2., Article
II, Declaration of Principles, 1986
Philippine
Constitution
The
State shall pursue an independent foreign policy. In its relations with
other states, the paramount consideration shall be national sovereignty,
territorial integrity, national interest, and the right to
self-determination.
- Sec. 7, Article II, Declaration
of State Policies, 1986 Philippine Constitution
The
State shall develop a self-reliant and independent national economy
effectively controlled by
Filipinos.
-Sec. 19, Article
II, Declaration of State Policies, 1986
Philippine
Constitution
The Philippines,
consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of
freedom from nuclear weapons in its territory.
-Sec. 8, Article
II, Declaration of State Policies, 1986
Philippine
Constitution
Alituntunin ng
Saligang Batas
Hindi na kailangan pang
baguhin o magkaroon ng alternatibong patakarang panlabas ang Pilipinas
sapagkat ang pinakapundamental na prinsipyo at patakaran ng estado para sa
ating patakarang panlabas ay nakaukit na sa 1986 Philippine Constitution.
Ang problema ay ang kawalang implementasyon , pagsuway at paglabag ng kilos
at gawa ng pamahalaan sa mga prinsipyo at opisyal na itinakda nang
patakarang ito. Kung seryosong gagamitin sana bilang patnubay ng ating mga
lider ang Saligang Batas , ang Pilipinas ay rerespetuhin ng ibang bansa sa
kanyang pagpapakita ng patakarang panlabas na para sa kapayapaan at para rin
sa interes ng nakararaming Pilipino. Ngunit, hindi natin inaasahan ang
kasalukuyang pamahalaan na magkaroon na lamang ng biglaang paradigm shift
o conversion tulad ni Santo Paulo sa kanyang pakikitungo sa Estados Unidos o
pagpapailalim ng patakarang pa nlabas at patakarang sekuridad sa Estados
Unidos dahil sa isang insidente tulad ng kaso ni Angelo de la Cruz at
sapilitang pag-pullout ng Pilipinas sa Iraq.
Ang ating inaasahang
lumitaw ay mga kino-konsiyensang indibidwal na diplomat o dating ambassador
ng ating Department of Foreign Affairs tulad ni Retired Ambassador Nelson D.
Lavina(nlavina@eudoramail.com)
na sumulat ng kanyang opinion noong Philippine Daily Inquirer, July 22,
2004. Aniya:
Let us recall that
the Coalition of the Willing led by the Bush-Blair tandem, which originally
included the Philippines, Spain, Bulgaria, invaded Iraq without provocation,
without casus belli. In fact, the invasion was in defiance of the UN
Security Council.
Who are then
terrorizing whom: the invading coalition forces, killing thousands of Iraqis
and destroying their land and homes; or the Iraqi militants who are
obviously defending their country and people?
Kahit na batay sa
tatlong haligi(pillars) ng patakarang panlabas ng Pilipinas na itinatakda ng
ating Department of Foreign Affairs , lagpak sa lahat ng aspeto ang ating
kasalukuyang patakarang panlabas sapagkat hindi nito ginagamit ang Saligang
Batas bilang alituntunin o giya sa kanyang mga patakaran. Ang tatlong haligi
ng opisyal na patakarang panlabas ng Pilipinas ay ang mga sumusunod:
(1) the
preservation and enhancement of national security;
(2) the promotion
and attainment of economic advancement and social development;
(3) the protection
of rights and promotion of the welfare and interests of Filipinos overseas.
(Secretary Delia Albert,
Lecture on Philippine Foreign Policy, University of the Philippines, Diliman,
March 2004)
Kaugnayan sa
Pambansang Sekuridad
Ang ating patakarang
panlabas lalo na matapos ang mga pag-atake sa Amerika noong Sept. 11, 2001
ay pinangibabawan ng pagsuporta natin sa Kampanya Laban sa Terorismo ng
Estados Unidos. Dalawa ang pangunahing dahilan. Una: pwede tayong
maki-angkas sa mga pang-ekonomikong biyaya na makukuha ng Amerika sa
Afghanistan at Iraq lalo na sa pagbili ng langis, sa mga construction
contracts at mga bubuksang trabaho sa reconstruction ng Iraq matapos ang
gera. Samakatwid, ang tatlong haligi ng ating patakarang panlabas ay
pinailalim natin sa pre-okupasyon natin sa War on Terror sa loob ng
Pilipinas at sa ating pakikiugnayang panlabas. Pangalawa: Ang Amerika ang
nag-iisang pinakamalaking superpower, kayat, mas mabuti sa ating patakarang
panlabas na umangkas sa No. 1 Superpower na ito upang makuha ang biyaya na
maipagtatagumpay nito. Ganito ang lohiko ng mga palasuko!
Ngunit, ang No. 1
Superpower na ang Amerika ay No. 1 din sa mundo sa mga sumusunod kaya
kinamumuhian ang kanyang pamahalaan sa ibat ibang dako ng daigdig lalo na
sa Gitnang Silangan:
No. 1 sa dami ng
milyonaryo.
No. 1 sa dami ng
bilyonaryo.
No. 1 sa military
spending, kahit na ipagsama ang defense budget ng 180+ bansa sa buong
daigdig .
No. 1 sa mga
namamatay dahil sa mga baril.
No. 1 sa produksyon
ng karneng baka.
No. 1 sa per capita
energy use at pagwawaldas nito.
No. 1 sa carbon
dioxide emissions(kahit na ipagsama ang carbon dioxide emissions ng
Australia, Brazil, Canada, France, India, Indonesia, Germany, Italy, Mexico,
at UK ay hihigit pa ito)
No. 1 sa per capita
municipal waste(720 kilograms bawat tao sa isang taon)
No. 1 sa hazardous
waste(20X sa pinakamalapit na competitor, Germany
No. 1 sa mga ayaw
lumagda ng mga UN sponsored environmental laws and treaties
No. 1 sa oil at
natural gas consumption
No. 1 sa budget
deficit(bilang percentage ng GDP)
No. 1 sa daily per
capita consumption ng calories
No. 1 sa lowest
voter turnout
No. 1 sa narereport
na mga ginagahasa o nare-rape (3X sa susunod na ang Canada)
No. 1 sa mga
namamatay at nasusugatan sa mga sakuna sa kalsada
No. 1 sa mga hindi
pumirma ng international human rights treaties
No. 1 sa mga bansa
sa United Nations na ayaw pumirma o magratipika ng UN Convention on
theRights of the Child
No. 1 sa mga
execution ng minor de edad na kriminal
No. 1 sa mga dami ng
batang kinse anyos pababa na namamatay sa baril
No. 1 sa dami ng
batang kinse anyos pababa na nagkokomit ng suicide sa pamamagitan ng mga
baril
No. 1 sa
pinakamababang 8th grade math scores
No. 1 sa mga
nagbibigay ng pagsasanay at training sa torture techniques para sa ibang
bansa at,
No. 1 na
kinamumuhian at kinagagalitang bansa sa mundo dahil siya rin ang No. 1 na
nakikialam sa mga internal affairs ng ibang bansa, sa pamamagitan ng
asasinasyon, coup detat at pagsuporta ng mga kinamumuhiang diktador na
sinuplayan ng armas at binigyan ng pagsasanay ang sandatahang lakas.
Ang ating tunay na
pambansang sekuridad ay hindi ginagarantiya ng diplomasyang mapagdigma o
gunboat diplomacy o force projection ng isang dayuhang bansa na ginagamit
ang kanyang pangmilitar na superyoridad upang takutin at brasuhin ang ibang
bansa kasama na ang mga ating mga itinuturing na mga kaibigang bansa.
Ang pambansang
sekuridad ay ginagarantiya ng pakikipagkaibigan, pakikiugnay , respeto at
pagmamagandang loob sa lahat ng bansa sa daigdig. Ang paggamit ng isang
dayuhang bansa sa ating teritoryo upang maglunsad ng pakikidigma laban sa
ibang bansa ay nakakapinsala sa pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa ibang
bansa. Nasasangkot lamang ang Pilipinas sa mga problemang taliwas sa ating
interes. Kayat di natin dapat suportahan, kundi kondenahin at labanan ang
mga patakarang panlabas ng Estados Unidos na mapanghimasok at mapagdigma.
Ang pagsuporta sa
mapanghimasok na superpower laban sa mga mamamayan at ibang bansa sa Gitnang
Silangan halimbawa ay lalo lamang naglalagay sa panganib sa ating sariling
sekuridad sa sarili nating bayan, kundi pati sa mahigit sa kalahating
milyong Pilipinong nagtatrabaho sa rehiyong mayaman sa likas na kayamanang
langis.
Kasaysayan at
Tradisyong Mapagpalaya
Ang Republika ng
Pilipinas ay isang malayang estado na kumakatawan ng interes ng mamamayang
Pilipino. Minana ang ating soberanyang kapangyarihan sa makulay na tradisyon
at kasaysayan na pinanday ng mahabang pakikibaka ng ating mamamayan laban sa
mga kolonyalista at imperyalistang Kastila, Amerikano at Hapon para sa
pagpapalaya ng ating sambayanan at para sa kalayaan at interes ng mamamayang
Pilipino. Marami sa ating mga bayani at mandirigma tulad nina Miguel Malvar,
Macario Sakay, Julian Montalan , Asedillo, atbp., ay tinugis na parang hayop
at tulisan ng mga mananakop sa ating bansa at itinuring na mga insurektos at
terorista. Kayat, dapat nating maunawaan din ang mga sitwasyon ng ibang
mamamayan at bansa na sinasalakay ng mga malalaking superpower at
binabansagang mga terorista ang mga mapagpalayang mandirigma na lumalaban sa
kolonyali smo.
Ang ating
pakikilahok sa mga mapagdigma at mapanghimasok na patakaran ng Estados
Unidos ay magbubunsod lamang ng antagonismo, pagkamuhi, kawalang-tiwala at
pagkapoot laban sa atin ng ibang bansa at mamamayan.
Ang ating
patakarang panlabas ay nararapat naka-direkta sa ating tunay na pambansang
sekuridad tungo sa respeto sa mga prinsipyo ng pagsasarili(self-determination),
pakikipagkaibigan at pagmamagandang loob(goodwill) kaysa mga
pakikipag-alyansa sa mga mapagdigma o kolaborasyon dito na siyang ating
ikapapahamak lamang.
Sa particular,
ang Republika ng Pilipinas, batay sa kanyang 1986 Constitution ay ganap na
pantay at malaya sa kanyang relasyon o pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
Ang Estado ay
nagbukas ng diplomatiko , pampulitikal, pangkabuhayan at pangkulturang
relasyon sa lahat ng mapagkaibigang bansa, upang ibatay ito sa mga
prinsipyong pantay na pakikipagrelasyon, mutwal na respeto sa isat isa,
hindi pakikialam sa panloob na usapin at mutwal na pakinabang.
Pundasyon ng
Kasarinlan
Ang pinakapundasyon
ng kasarinlan ay isang nagsasariling pambansang ekonomiya sa ating Republika.
Ito ay ang garantiyang material tungo sa pag-unlad at prosperidad ng
kabuhayan ng mamamayan. Hinahangad ng isang tunay na malayang bansa ang
hamon ng industriyalisasyon na kinakailangang makamtan kung tayo ay
nagnanais na maging malakas at maunlad. Kinakailangan na igarantiya ng
Estado na isulong ang tunay na lokal na industriyalisasyon ng Pilipinas at
mapalakas ang material at teknikal na pundasyon ng bansa.
Nararapat lamang na
ang mga utang panlabas na lubos ang bigat na pinapasa sa ekonomiyang
pambansa, o nagpapalubog sa atin upang maging atrasado at di umunlad , o
nagsasayang sa local na yaman tungo sa di produktibong paraan, ay di dapat
payagan o dapat gawan ng panibagong pagkakasundo(renegotiate). Dapat ay
maging kapaki-pakinabang sa bansa ang anumang utang panlabas na ikokomit ng
Pilipinas.
Ang mga direktang
puhunan ang malalaking tubong mga kapital ng US , Japan at iba pang mga
malalaking kapitalistang bansa, lalo na sa mga vital at estratehikong
industriya ay dapat isabansa.
Bagamat nalansag na
ang mga base-militar ng US, ang mga puwersa ng Sandatahang Lakas ng Amerika
ay nakabawi na sa ating teritoryo dahil sa kanilang karapatang access sa
mga pasilidad pangmilitar at sa teritoryo ng Pilipinas. Hindi na dapat
payagan ang ganitong paglapastangan sa soberanya ng bansa. Di rin dapat
payagan ang sinumang dayuhang bansa ang magtayo muli ng mga base military sa
ating bansa upang suportahan ang mga dayuhang operasyong pangmilitar sa loob
ng bansa o laban sa iba pang mga bansa. Di ba taliwas o lumalabag ang mga
probisyon ng Visiting Forces Agreement(VFA) at Mutual Logistics Support
Arrangement(MLSA) sa ating pro-PEACE na saligang batas?
Hindi na tayo dapat
pumayag na umasa sa Estados Unidos para sa ating estratehikong
paghahanda(strategic planning), pagsasanay ng mga opisyal military, at mga
gamit pandigma(logistics). Lalo na sa maselang bagay tulad ng intelligence o
sensitibong mga pasilidad, di natin dapat bigyan ng access ang isang
dayuhang bansa. Sa kasalukuyan, pinakikialaman ng US ang maseselang aspeto
ng ating intelligence at pambansang sekuridad sa pamamagitan ng Philippine-U.S.
Joint Defense Assessment(JDA) . Sinimulan ito noong 2001, at sa pamamagitan
ng Joint U.S.Military Advisory Group(JUSMAG) ginagarantiya nito ang kontrol
ng U.S. armed forces sa ating sandatahang lakas sa larangan ng pagdedebelop
ng comprehensive and multi-year defense program and plan for prioritized
Philippine Defense Capabilities. Isang JDA Planning and Implementation
Group na binubuo ng 25 na opisyales ang nagpapatupad ng implementasyon ng
mga rekomendasyon nito. Ito ay magiging nasa adbantahe ng isang dayuhang
bansa at nagbibigay ng oportunidad upang ma-manipula ang ating sariling
hukbong sandatahan o hawakan o kontrolin ito. Hindi na dapat pumailalim
ang ating sandatahang lakas sa kaninumang dayuhang kapangyarihan.
Lalo pa ritong hihigpit
ang kontrol at impluwensya ng Estados Unidos sa ating sandatahang lakas.
Sapagkat sa pakikialam ng US sa pamamagitan ng JDA sa personnel management,
AFP operations, budget and acquisition controls, operational and training
capabilities and military modernization, bukod sa access nito sa classified
national security information, ang mga repormang pangmilitar na ipinapatupad
nito ay lalo pang tutungo sa labis na pagdedepende at pagsasandal ng AFP sa
U.S. military assistance at logistics(war materiel). Ginagarantiya lamang ng
mga relasyong ito na gagamitin ang U.S. military assistance sa internal
conflict o counter-insurgency, at hindi sa tunay na pagkakaroon ng external
defense capability ng AFP.
Mga Kasunduang
Pagsuko sa Kasarinlan
Ginagamit ng Estados
Unidos ang mga batas, tratado at kasunduan upang lapastanganin ang
pambansang soberanya, kalayaan at teritoryong integridad ng Pilipinas at
upang makialam sa ating panloob na usapin. Ang mga nakaraan at kasalukuyang
mga pamahalaan ng Pilipinas ang responsible sa mga di-pantay na relasyon ng
Pilipinas sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos na patuloy na yumuyurak sa
soberanya at dignidad ng ating bansa.
Ang mga
sunud-sunurang mga batas sa pamumuhunan(investment) at mga kasunduan sa
utang na kinokolelat tayo, at mga di-pantay na mga kasunduan tulad ng
Investment Incentives Acts, Banking Liberalization Law, RP-US Mutual Defense
Treaty, RP-US Military Assistance Agreement, Visiting Forces Agreement at
Mutual Logistics and Supply Arrangement (MLSA ) ay nararapat lamang na
lansagin. Dapat lamang makipagnegosasyon ang Pilipinas at lumagda sa mga
bagong tratado, o kasunduan na batay sa mga prinsipyong mutwal na benepisyo
at di nagtatakda ng pakikialam ng malakas na bansa sa mas maliit na bansa.
Ang
Pilipinas ay dapat sumuporta sa mga aspirasyon ng ibang bansa na maging
malaya at magkaroon ng kasarinlan, gayon din sa pagpapalakas ng Movement of
Non-Aligned Countries at pagsusulong ng new economic order. Sa ilang
bahagi ng daigdig at sa patnubay ng United Nations, at kung di nabubulabog
ang ating serbisyong pampubliko, kung gusto nating magpadala ng
Humanitarian Contingents, ito ay dapat sa porma lamang ng mga doctor, nars,
guro, teknisyan upang magbigay tulong sa ibang bansa. Dapat nitong
panindigan at ibatay ang kanyang pakikiisa sa ibang bansa sa mga kolektibong
desisyon at resolusyon ng United Nations at iba pang pandaigdigang
organisasyon na nagsusulong ng soberanya, kalayaan, at pagkakapantay ng
ibang bansa, at pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan.