(Talumpati bilang Keynote Speaker sa Opening
Ceremonies ng 98th Foundation ng Unibersidad ng Pilipinas at 24th
Anibersaryo ng U.P. Manila bilang Health Sciences Center, Philippine General
Hospital Atrium, June 14, 2006)
Lubos kong ikinatutuwa at
ikinararangal na maging panauhing pandangal at makasama kayong lahat dito sa
Opening Ceremonies ng 98th Anibersaryo ng Unibersidad ng
Pilipinas at ng 24th taon ng U.P. Manila bilang Health Science
Center. Tunay ngang dapat nating ipagbunyi ang okasyong ito lalo na dito sa
makasaysayan at orihinal na kampus ng U.P. kung saan isinilang ang
Unibersidad ng Pilipinas noong 1908. Dalawang taon na lang at ipagdiriwang
na ng U.P. nating mahal ang kanyang Sentenaryo o 100 taon pagkasilang!
It was exactly on June 18, 1908 that the passage of Act
No. 1870 was promulgated by the Philippine Legislature “by authority of the
United States”. This is what is now known as the U.P. Charter – “An Act for
the Purpose of Founding a University for the Philippine Islands, Giving it
Corporate Existence, Providing for a Board of Regents, Defining the Board’s
Responsibilities and Duties, Providing Higher and Professional Instruction,
and for other Purposes.”
The smoke had not yet been fully cleared, and after 9
years of colonizing and initiating a pacification campaign, the invading
force - the United States – installed an American Governor General, who
appointed the first members of the U.P. Board of Regents in 1908: Newton W.
Gilbert as Chair in his capacity as Secretary of Education, David P.
Barrows, Leon Maria F. Guerrero, Enrique Mendiola, Rafael V. Palma, Trinidad
H. Pardo de Tavera and Jose Rosales. Of the 7-member appointed Board of
Regentsin 1908, 2 were Americans, and this membership would later on be
expanded to 12 members in the present composition of the B.O.R..
For all its colonial origins, the establishment of the
University of the Philippines was a far cry from the obscurantist
orientation of the Philippine educational system which had been
characterized by its sectarian and religious orientation at the heyday of
Spanish colonization. U.P.’s Charter in 1908 promised to give “ advanced
instruction in literature, philosophy, the sciences, and arts, and
professional and technical training … to every qualified student,
irrespective of age, sex, nationality, religious belief, or political
affiliation.”
This new orientation formed the core of the University’s
traditional commitment to liberal education, even amidst a new colonial
dispensation. But from its very inception, the University was an instrument
for the cooptation of the consciousness of the revolutionary intelligentsia,
as well as for the creation of a new intellectual class. Filipino freedom
fighters like General Artemio Ricarte, Macario Sakay, Ipe Salvador, the
Pulajanes and the rest of theso-called “insurgent bandits and outlaws” all
over the islands were still actively resisting American colonization when
the PhilippineCongress, composed of local coopted Filipino aristocrats and
their representatives, established the University of the Philippines on June
18, 1908. Nevertheless, the establishment of a secular, progressive
university like U.P. with a liberal admissions policy was a big improvement
of the Spanish educational system with its feudal orientation,
discriminatory admissions policies and medieval curricula.
U.P. was a major force in the consolidation of American
colonial control, ending the dominance of the defective, parochial and
obscurantist system of education Spain had established. It helped shaped an
educational apparatus that conformed with the new colonizer’s world view and
interests. The new educational system had the twin tasks of destroying the
old culture and of creating a new one supportive of the new colonial order–
and steeped in the language, values and ideas of the new colonizer.
Thus, began the contradictory, albeit dual, character of
the University. The University helped consolidate colonial rule by
contributing to a number of Filipino colonial intelligentsia and a class who
became Philippine presidents, justices of the Supreme Court, congressmen,
senators and assemblymen who were U.P. graduates for the formulation and
implementation of colonial, neo-colonial and pro-comprador and landlord
policies detrimental to the interests of the broad majority of the Filipino
people. But on the other hand, the University also unleashed the liberating
power of knowledge to Filipinos. It helped create conditions for the
nurturing of advanced levels of political consciousness that also produced
nationalists and progressives who assumed leading roles in the Filipino
people’s struggle for national and social liberation. This dual character of
the University exists even today as the University’s traditional commitment
to liberal education is besieged by the forces of market-driven economic
globalization that seek to re-orient the University from this progressive
commitment. U.P.’s dual character has thus produced its hallmark of
excellence – in producing the country’s excellent oppressors as well
as excellent liberators of the Filipino people.
Ang mapagpalayang edukasyon na tatak ng U.P. ang siyang
susi sa pagiging haligi nito ng mga intelektwal at mga lider ng bansa.
Tunay na malaki ang papel ng U.P. sa paghubog at pagsanay sa maraming lider,
intelektwal, at propesyonal. Ang edukasyong mapagpalaya ay nakabatay at
nilalaman ng perspektibang liberal and progresibo.
Sa anumang larangan, ang ating bansa ay lalong titibay
sa pamamagitan ng mga alumni na mulat, may makabayang paninindigan at may
sapat na kahandaang intelektwal, teknikal at kultural. Behikulo ang
unibersidad para sa pagmumulat ng mamamayan para sa pang-ekonomiko at
pampulitikang partisipasyon nila sa di mapipigilang pagbabago ng
lipunan. Ipinagkakapuri ng edukasyon sa U.P. na magagamit ito hindi
lamang para sa kanilang sariling career at kabuhayan ng mga nagtapos ditto ,
kundi para sa higit pang pagsulong ng sambayanan sa kanilang adhikain na
itayo ang isang lipunan na may pambansang kasarinlan, demokrasya at
katarungan.
Nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang
balangkasin ang ilang nakaliligalig na kaganapan sa ating bansa at
unibersidad. Kung tutuusin, hindi normal ang takbo ng panahon ngayon.
Dapat nating ipagtanggol ang mga ginigipit nating mga kalayaan at karapatan
tulad ng ipinakita ng Unibersidad nang ideklara ang Presidential
Proclamation 1017. Huwag nating payagang bawiin ninuman ang atin nang
naipagtagumpay na karapatan sa bansa at Unibersidad. Hindi ako
nag-aatubiling sabihin na isang sibilyang diktadura ang kumakatay na ngayon
sa ating bansa.
Since 2001 up to the present, no less than 679 Filipino
advocates, journalists and activists have been assassinated by death squads
in various parts of the country, according to the documentation of both
international and national human rights groups. During this same period, a
total of 168 more were abducted and are missing. The pattern of the
killings is starkly clear: critics of the government who are lawyers,
journalists, priests and ministers, labor leaders, peasant organizers,
teachers and student leaders are being liquidated by professional hitmen. If
government is not really a party to this state of terror as it claims, then
it should put a stop to these killings and assassination of its citizens,
even if they are its staunchest critics and belong to the opposition. This
is a basic duty of a state. University constituents should also take a lead
role in the clarification of significant national issues related to Charter
Change and threats to national sovereignty like the Visiting Forces
Agreement in the light of the Subic rape case.
Ito rin ay okasyon upang balangkasin ang ilang isyu na
kinakaharap ng ating mahal na pamantasan, at sa harap din ng rumaragasang
pampulitikal at pangkabuhayang krisis ng ating bansa kung saan ay kilalang
kaakibat ang ating pamantasan . Halos dalawang taon na lang at ipagdiriwang
ang Sentenyal ng U.P. Nating Mahal. Ngunit, bakit ang U.P. Natin ay Nagiging
Mahal?
Nais ngayon ng pamahalaan na iwasan ang responsibilidad
nitong tugunan ang mga pangangailang pang-edukasyon at pangkalusugan ng
mamamayan, lalo na sa antas kolehiyo. Nararapat isaisip na ang
pagsasapribado ay hindi lamang nangangahulugan ng tuwirang pagbebenta ng mga
institusyong pang-edukasyon sa mga negosyante kundi pangunahing
nangangahulugan ng unti-unting pagbibitiw ng pamahalaan ng pakikilahok nito
sa isang sektor o gawaing serbisyon publiko. Nagaganap ang pagsasapribado
ng isang institusyon ng estado kapag unti-unti na itong binabawasan ang
subsidyo. Sa gayon, saklaw ng konseptong ito ang pagsasapribado ng mga
serbisyo sa loob ng pamantasan. Pagsasapribado rin ang unti-unting pagtaas
ng matrikula upang maipapasan na sa mag-aaral ang buong gastos ng kanyang
edukasyon. Kasama na rin dito ang pagpapaupa ng malalawak na lupain at
pagmamay-ari ng Unibersidad sa pribadong sector para sa mga gawaing
komersyal. Maituturing na bahagi ng patakaran ng pagsasapribado ang lahat
ng mga plano ng mga institusyong pang-akademiko na nakatuon sa sinasabing
“pagtindig sa sarili” ng mga ito. Malinaw na hindi lamang pinagsisikapan
ng mga State Colleges and Universities na madagdagan ang natatanggap nilang
subsidyo sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng pagpasok sa mga negosyo, ang tunay
na pinatutunguhan ng lahat nito ay mapalitan ng kikitain mula sa negosyo ang
subsidyo ng pamahalaan dahil sa papaliit nang papaliit na subsidyo para sa
mga SUCs.
Hindi lingid sa ating kaalaman na malaki ang papel na
ginampanan ng mga institusyong pang-edukasyon katulad ng U.P. sa
pagpapanatili ng sistemang ito. Gayumpaman, sa pamamagitan ng
pagpapasailalim ng mga institusyong pang-edukasyon sa lohika ng
globalisasyon at pribatisasyon ay lalong natutugma ang mga ito sa
pangangailangan ng mga bansang makapangyarihang patuloy na namamayani sa
pandaigdigang ekonomiya at sumasagka sa pag-unlad ng ekonomiya at pulitika
ng Pilipinas.
Bilang isa sa mga pangunahing institusyong
pang-edukasyon sa Pilipinas, kailangang itaguyod ng komunidad ng U.P. ang
nararapat lamang na mas mataas na subsidyo para sa edukasyon n mamamayan sa
pangkabuuan habang nilalabanan din ang pagsasapribado ng mga SUCs.
Kailangang ipagtanggol ang pagpapanatili ng awtomatikong subsidyo paa sa
lahat ng iskolar ng bayan at idaan sa isang rebyu ang patakaran sa
pagtanggap na mag-aaral upang maiwaksi na ang kasaysayang elitista ng UP at
tunay itong magsilbi sa pangangailangan ng nakararaming mga anak ng uring
anakpawis sa hanay ng mga magsasaka, manggagawa at mangingisda sa ating
bansa. Dapat baguhin ang mga programang kurikular hindi upang higit na
maiangkop ang mga ito sa pangangailangan ng mga dambuhalang monopolistang
mamumuhunan kundi upang matugunan ang mga tunay na pangangailangan ng
nakararaming mamamayang Pilipino.
Makatarungan lamang na ipaglaban ang mga karapatan at
kagalingan ng buong komunidad ng U.P. na kinabibilangan ng mga mag-aaral,
guro, manggagawa, kawani at residente. Hindi dapat pahintulutan ang
pambubusabos ng ninuman sa administrasyon ng Unibersidad ang alinmang
kabahagi ng komunidad ng UP, maging propesor man o kawani. Upang makamit
ito, dapat buwaging ang magkakaugnay na kalakarang korporatista at sistemang
patron na umiiral sa Unibersidad upang mas lalaong maisabuhay ang diwa ng
demokratikong pamamalakad at maitaguyod ang pamumunong may pananagutan.
Maaaring isama ang ilang probisyon kaugnay nito sa U.P. Charter.
Kailangang lalong lumakas at lumaganap ang
alternatibong tradisyong pang-intelektwal ng U.P. na makapagbubuo ng isang
malalim at malawakang kritisismo sa umiiral na kalakarang panlipunan upang
mabago ito para sa kapakanan ng higit na nakararaming Pilipino. Imbes na
maging mga tagapayo ng IMF at ng mga mayayamang pulitiko, maaaring magkaroon
ng makabuluhang papel ang mga propesor at mga intelektwal na ibinubunga ng
Unibersidad sa pagtataguyod at pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo at
pambansang industriyalisasyon at isang makabago at mas makataong lipunan
bilang alternatibo. Kailangang ialay ng UP ang yamang talino na tinataglay
nito sa pagkamit ng tunay na pag-unlad na makatao sa hinaharap para sa buong
bansa. Nakasalalay ang ating pag-asa sa hinaharap sa paniniwalang maaaring
mabago ang umiiral tungo sa isang mas makatarungan at mas makataong lipunan.
As it nears its Centennial, the University is called
upon to produce outstanding graduates who do not just heal physical illness
and pain, but who can contribute constructively in healing the social cancer
in our midst, and thus also contribute to the liberation of the country from
mass poverty.
Sa punto ng katarungan sa ating pamantasan at ospital,
nais kong banggitin na malapit nang magkaroon ng kompensasyon ang ating mga
Clinical Faculty sa U.P. College of Medicine na tinaguriang WOCs o without
compensation. Merong nakasalang na mungkahi na puspusang pinag-aaralan
upang itong ay mangyayari.
Ang isa pang dapat bigyan ng pansin ng Unibersidad ay
ang papel nito hinggil sa pagpapalakas ng mga people’s organizations na gaya
ng mga samahang magbubukid at unyon ng manggagawa, katutubo at
mangingisda. Kaugnay nito, malaki ang papel ng unibersidad na baliin ang
sirkulo ng powerlessness at bigyan ng pagkakataon ang mga nasa gilid ng
kapangyarihan sa ating lipunan. Ito ang dapat na maging takbo ng
demokrasya.
Kung tutuusin, ang pinakamabisang pormula para tumibay
nang husto ang demokrasya ng taumbayan ay isang programang pangkabuhayan at
pampulitika na nagtataglay ng mga radikal na repormang panlipunan para sa
pakinabang ng mga maliliit. Dito dapat pumasok ang papel ng U.P. para sa
edukasyon at empowerment ng mga anak ng mga manggagawa at sambayanan, at
empowerment sa mga samahang magbubukid ang manggagawa. Dapat maging “think
tank” ang U.P. ng mga organisasyon ng “civil society”. At dapat lamang ay
magsimula ang empowerment na ito sa mga organisasyon sa loob ng Pamantasan.
Ang edukasyong demokratiko, makalipunan, makatao at
makabayan ay nagsisimula sa pagkilalang tayong lahat ay kapwa tao, na tayong
lahat ay Pilipino. Magtaguyod tayo ng edukasyong mapagpalaya, makatao’t
makatarungay at para sa interes ng nakararaming api sa ating bayan.
Magtiwala tayo sa kanilang mulat na lakas at organisasyon.
The basic character of U.P. as instituted by the
American colonizers in 1908 still prevails today. U.P. is still a potent
instrument for the perpetuation of the power of the Philippine ruling
oligarchy and class, an effective center for the dissemination of the
ideology of this dominant class, and a prolific supplier of high level
manpower and basic research findings for its ideologies. But U.P.’s history
has never been static. Each stage in its history, has been a struggle
between the forces of reaction and the forces of progress. The struggle is
fundamentally between the dominant efforts to maintain the UP as an
effective apparatus of the dominant ruling class, and the determination of
the progressive forces to develop a UP in the service of the people. It is
inspiring to note that in the 98 years of the University’s existence our
faculty and students have always constituted a source of alternative
progressive thought. This is why I was so honored to be elected by the U.P.
system faculty to represent the 3,600-strong faculty of the University of
the Philippines in the Board of Regents.
Bilang pagtatapos, nais kong amyendahan ang ilang titik
at hiramin ang himig ng “U.P.Naming Mahal” upang bigkasin ang isang maikling
tula na sa palagay ko ay naayon sa sitwasyon ng Unibersidad sa kasalukuyang
panahon:
Ang U.P. Nating Mahal
Nalalapit ang kanyang Sentenyal
Bilang Pamantasan at Pampublikong Ospital.
Sa panahon ng Globalisasyon at Dayuhang Kapital
Kung walang Cost-Effectiveness
Kaltas ang Subsidyo, asa na lang sa PDAF at Saro.
U.P. Naming Nagiging Mahal
Dahil Pamantasa’y Naghihirap
Tuition, Lab, Miscellaneous fee kanilang ina-adjust
Pagkat di rin magtataas ng subsidyo.
Sa tinig ng nakararami
Sana’y huwag tayo magbingi-bingihan.
Binabati ko muli ang lahat, at gamitin sana nating
mabuti ang mapagpalayang edukasyon ng U.P. upang makapagsilbi sa nakararami.