|
Dapat Ba O Di Dapat?
ni Prof. Angelita Sta. Maria Lutero
Dapat bang makialam pa lalo si Uncle Sam?
Sa
problemang politikal, sa sikmurang kumakalam?
Sa
programang US Aid daw, Pilipinas tutulungan
Libreng gamot peke naman, edukasyon, pang Express Processing Zone.
Makabagong paliparan, malalim na daungan
Malawak ring fishport, sentro daw ng kalakalan
Di
kaya paliparan sa banyagang kapakanan
Pagka’t banyaga’y lalapag, matiwasay at mainam?
Di
kaya ang daungang ubod-lalim sa kanilang gyera gagamitin
‘pagkat sandatahang lakas natin pinasusunod inaangkin?
Di
kaya sa pagtulong kapalit ating kalayaan
Lumad nasa tuktok, sila’y nasa kapatagan?
Kung
kaya’t patuloy walang katapusang balikatan
Mula
Aparri hanggang Jolo, pati sa Cagayan
Ehersisyo sa sandata, sa night Vision na no vision!
Sundalong si Juan, napagkamalang usa, hayun napuruhan!
Surplus na eroplano, bulok na helicopter na panggyera’y ipinagkaloob
Saglit na lilipad agad na babagsak sa Pilipinong kabahayan
Namatay na si Juan pamilya’y walang korteng sasampahan
Pag
nagkatao’y kalaban mong pamahalaan mapapaaga iyong kamatayan.
Nabanggit na kamatayan sobrang daming pagpaslang
Ng
mamamayang militante, lider-estudyante, gurong makabayan
CPP-NPA, terorista raw lahat may kagagawan
Nagsalita United Nations, pulitiko, opisyal at naka-uniporme ang
namamaslang.
Kundangan kasi si Gloria, permanenteng naglalaba
Kinlorox na si Garci, si Bolante at ZTE
Di
naman binalasa, makunat na Esperon
Inabduct si Jun Lozada, tusong pulis na si Razon.
Pati
paglalaba, pinakialaman ng Amerika
Tuloy hayun Malakanyang buhul-buhol sa problema
Samantalang first gentleman, pangiti-ngiti, kunwa’y mahinahon
Kristo pala sa sabungan, o delubyo ng panahon!
Gumuguhong Gloria, utos rin ba ng Amerika?
Kumpas na mahika’y mali, o nalimutan ang formula
Kay
sama mo Fairy God Amerika,
panggigipit ay sobra
Pinagsamantalahan na si Nicole,
dinapurak ekonomiya
binusabos pa lupang mana!
Mamamayan gumising palayasin mga matsing
Mayaman kanilang bansa, bakit ati’y sasairin?
Nagdiringas na palasyo sa katiwalia’y putulin
Inang Bayan buto’t balat, katahimika’y kalembangin.
Sagot sa maraming tanong, tinuturo ng kasayasayan
Lokasyon ng Pilipinas sa Asya-Pasipiko sakdal inam
Armory ng sangkapyera, base at lungga ng sandata
Ay
ambot Juan, ikaw gid matata!
Lupang habilin, mayamang Mindanao
Dinusta’t binusabos ng Banyagang Magnanakaw
Pangarap ni Juan, malayong matanaw
Kabuhayan ni Islaw, lagging lubog di lilitaw
Mindanaw, Lupang Pangako, di kailanman isusuko
Sa
banyagang estado, mapag-api’t walang puso
Mambabatas, mga lider, estudyante, kapwa guro
Magbarug, Magpatuon/Mindanawans karon na jud maoy ti-on!

|