(Talumpati
sa 'National Conference of Educators in State Colleges and Universities on
the Rationalization of the Bureaucracy and SCUs', Philippine
Normal University, Feb. 17, 2006)
Noong June 1, 2004,
inireport sa mga pahayagan na isang US investment at research na kumpanya,
ang Bear, Stearns and Co. Inc. , na inatasan ng pamahalaan ng Pilipinas at
ng mga multilateral na pinansyal na institusyon, ay nagrerekomenda ng
retrenchment ng malaking bilang ng mga pampublikong empleyado ng pamahalaan
upang mabawasan ang mga gastusin o expenditures ng pamahalaan. Sa sumunod
na araw, June 2, inanunsyo ng Civil Service Commission na magkakaroon ng
"rationalization scheme" na magbabawas ng mahigit kumulang sa 30% ng
kabuuang mga empleyado ng pamahalaan . Bagaman sinabi ng Civil Service
Commission na hindi ito para bawasan ang fiscal deficit, inamin nito na ang
planong ito ng pamahalaan na alinsunod sa kasunduan sa mga dayuhang
multilateral na institusyon at ng Bear, Stearns and Co. ay upang dagdagan
ang savings ng pamahalaan. Di nagtagal, noong October 6, 2004, nilabas ang
Executive Order 366 ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. At hindi rin
nagtagal, sinalamin ng Medium Term Philippine Development Plan 2005 - 2010
ang Rasyunalisasyon ng Burokrasya kung saan sinabing target na bawasan ang
1.4 milyon staff ng mga line departments, GOCCs at pinansyal na institusyon
ng pamahalaan dahil ang wage bill sa sahod ay halos 30% ng kabuuang budget
expenditure, at ang service delivery ay "expensive" at "inefficient".
Di ito
kauna-unahang beses na umayon ang pamahalaan ng Pilipinas sa desisyon ng
isang dayuhang multilateral na ahensya. Matagal nang hinuhubog ang mga
patakaran ng pamahalaan sa mga tanggapan sa labas ng Pilipinas tulad sa
Washington, D.C. at sa New York City.
Noon pang panahon ni
President Cory Aquina, upang sikaping lutasin ang krisis ng ekonomiyang
minana niya kay Marcos, umutang ang pamahalaan sa ilalim ng extended fund
facility(EFF) ng International Monetary Fund o IMF. Ang panahon ng extended
arrangement ay 1989 hanggang 1992. Ang buod ng Letter of Intent o
Memorandum of Agreement ay mga austerity at revenue-raising measures na
pinapasunod ng IMF sa Pilipinas upang makabayad ang huli ng malaking utang
panlabas na lumobo nang lumobo.
Sinasaad nitong
Letter of Intent sa IMF noong 1989:
"The internal cash
generation of the 14 nonfinancial corporations is targeted to be about 1.3
percent of GNP per year during 1989-1992. This level of cash generation will
result from comprehensive structural mesures, including a reduction in the
size of the public corporate sector, tariff increases, receipts from
privatization, and improved cost recovery and collection efficiency. (Mula
sa Letter of Intent of the Philippine Government to the IMF, o Memorandum of
Economic and Financial Agreement, March 6, 1989, paragraph 12.)
Ang mga sumusunod ay ang
mga esensyal na probisyon ng mga Letter of Intent noong 1989 ng Pilipinas sa
International Monetary Fund:
1. Ang pribatisasyon ng
mga korporasyon ng gobyerno, ang Development Bank of the Philippines,
Philippine National Bank, Philippine Air Lines, FTI,at iba pa. Ito ay para
makalakip ng malaking revenue ang pamahalaan na pambayad sa utang panlabas.
2. Ang masusing
pagpatupad ng VAT na nagawa ng IMF ipaapruba bilang isang batas bago lagdaan
niya ang Letter of Intent sa Ilalim ng Extended Fund Facility noong 1988.
3. Ang pagbawas ng
apropriyasyon at subsidiya sa mga korporasyon ng gobyerno na di pagbibili sa
pribadong sektor na inaasahang hahanap ng pondo para sa kanilang sarili pag
kinulang; ang naapektuhan dito ay mga serbisyo sosyal na pinapakinabangan ng
mga ordinaryong mamamayan.
4. Ang pagtaas ng presyo
ng kuryente at tubig para makabayad ang National Power Corporation
at Metropolitan Waterworks & Sewage System (MWSS) ng utang panlabas.
5. Ang pagtaas ng presyo
ng langis. Ito ay nagpapakita ng kalapitan ng IMF-World Bank sa mga
dambuhalang kumpanya ng langis.
6. Ang pagpaluwag pa ng
Omnibus Investment Code o Foreign Investment law sa mga dambuhalang
kumpanya ng langis.
ANG ILAN PANG
PROBISYON NG LETTER OF INTENT SA IMF-WORLD BANK NOONG 1989 AY ANG EARLY
RETIREMENT PROGRAM NG GOBYERNO, SALARY STANDARDIZATION LAW, PAGBABA NG
TARIPA SA MARAMING IMPORT AT ANG PATULOY NA FLOATING RATE NG PISO.
Siyempre, sa ilalim ng bagong Letter of Intent, tuloy ang structureal
adjustment program na inilunsad ng IMF-World Bank sa Pilipinas noong 1979.
Ang programa sa
ilalim ng Extended Fund Facility ay tinaguriang medium-term dahil
nakatakdang ipatupad sa tatlong taon, ngunit may patuloy na renewal ito
matapos ang negosasyon.
Ang mga
rekomendasyong ito ng IMF-WB sa letter of intent noon pang 1989 ay
pinagpatuloy bilang mga komitment ng mga administrasyon ni Ramos, Estrada,
at ngayon sa kasalukuyan ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Pinagpatuloy ang
pagbabawas (streamlining) ng mga empleyado sa mga departamento ng pamahalaan
upang makatipid sa budget. Patuloy ang programang pribatisasyon at isinunod
dito ang pribatisasyon ng Petron, National Steel, Philippine National Bank
at Philippine Shipyards, at ang National Power Corporation.
Narito ang mga ilang mga
batas at Executive Order ng mga administrasyon sa direksyon
ng rasyunalisasyon/reorganisasyon ng burokrasya ng Pilipinas:
PANGULONG CORY AQUINO
(1986 -1992)
1. Executive Order
No. 5 - na-convert dito ang Presidential Commission on Reorganisasyon sa
panibagong Presidential Commission on Government Reorganisasyon, kasama
rekonstitusyon ng mga miyembro nito.
2. Executive Order No. 292 -(o ang
Revised Administrative Code, 1987) - binalangkas ang mga batayang patakaran
at sistema/procedure para sa organisasyon at operasyon ng burokrasya.
3. Administrative
Orders No. 177, 197, 205, 216 - Moratorium sa filling up ng mga
bagong posisyon sa pamahalaan, abolisyon ng mga posisyon na bakante sa
nakaang 2 taon; 25% cap sa filling up ng natitirang central office posisyon;
reduksyon ng staff 5-10%
4. Republic Act 6656
- (Reorganization Act 6656) - nagbibigay ng seguridad at tenure sa mga civil
service officers at empleyado sa konteksto ng implementasyon ng
reorganisasyon ng pamahalaan.
5. Executive Order
165 - abolisyon ng Presidential Commission on Government Reorganization at
paglipat ng kapangyarihan nito sa Department of Budget and Management.
6. Executive Order
363 - decentralization ng Integrated Areas Development Projects
7. Republic Act 7160
- (Local Government Code of 1991) -devolution ng kapangyarihan at
serbisyo mula national government tungo lokal na pamahalaan.
PANGULONG FIDEL V. RAMOS(1992-1998)
1. Memorandum Order
No. 27 - binigyan ng direktiba ang mga national government agencies at
instrumentalities na mag-streamline ng operations nila. 4,987 positions ang
na-abolish na nagresulta sa savings na P227.3 M ayon sa DBM.
2. Attrition Law -
ang implementasyon nito ay nagbawas sa workforce; integrasyon ng
mga sections/departments sa burokrasya ; nireorganisa ang ma departments
batay sa serbisyo, staff, bureaus, regional offices.
PANGULONG JOSEPH ESTRADA
(1998-2001)
1. Executive Order
No. 165 - nagbigay ng direktib para sa pormulasyon ng institusyonal at
streamlining programa para sa Executive Branch
2. Tinatag
ang Presidential Committee on Effective Governance para sa institutional
development at streamlining na pinagpatuloy mula sa administrasyon ni Pang.
Ramos.
1. Executive
Order No. 145 - rasyonalisasyon ng mga organisasyon at superbisyon sa mga
ahensya sa ilalim ng Office of the President
2. Executive Order
No. 9(2001) - decentralization ng authority para magamit ang 20% development
fund sa LGUs.
3. Executive Order
No. 72(2002) - rasyunalisasyon ng mga ahensya sa ilalim ng Office of the
President.
4. Executive Order
366 (2004)- rationalization program ng pamahalaan; ang Implementing Rules
ang Regulations ay binaba noong May 20, 2005 na may direktiba sa buong
burokrasya na i-rebyu ang kanilang mga operasyon at magsumite ng mga
rationalization plans. Target ay 30% ng burokrasya ay bawasan sa pamamagatan
ng freeze sa filling of vacant rgular/peranent/itemized positions;
non-renewal ng mgaappointments ng personnel na temporary ang status at
non-renewal sa 157,847 contractual/casual/job order personnel.
Ang EO 366 at ang
kasalukuyang plano ng pamahalaan sa administrasyon ni Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo na ilarga ang pribatisasyon ng mga serbisyong pampubliko ay
muli na namang magsasakripisyo ng mga empleyado dahil sa kakulangan ng
pamahalaan na makalikom ng revenues at pagbawas ng di kailangang gastos
pampubliko.
Bilang mga empleyado
ng pamahalaan, di pa tayo nakakatangap ng sapat na salary increase para
makaalpas sa sunud-sunod na pagtaas na presyo ng gasolina, bilihin at E-vat,
sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo. Bagkus ay sunud-sunod ang mga
deduksyon sa sahod dahil sa pagdagdag sa direct at indirect taxes na
binabawas bilang withholding tax ng pamahalaan sa mga empleyado. Ito rin ang
dahilan kung bakit kaisa ako sa ating mag-aaral na huwag magtaas ng
matrikula, miscellaneous fees at laboratory fees sa lahat ng SCUs at sa
pribadong mga paaralan.
Ang deficit pampubliko
ay di dapat sisihin sa 1.4 milyon na mga empleyado para sa populasyon na
higit sa 80 milyong katao. Ang tunay na dahilan nggovernment deficit ay
dahil sa sunud-sunurang pagpatupad ng pamahalaan sa mga patakarang
liberalisasyon at deregulasyon . Dahil sa mga patakarang ito, na lalong
ipinatupad matapos tayong lumagda sa General Agreement on Trade and
Tariffs(GATT) noong 1995, ang income ng pamahalaan ay nabawasan ng malaki(
halos 30% ayon sa Department of Finance) mula sa kinikita sa import tariffs;
at nababawasan din ang income ng pamahalaan dahil sa automatic
appropriation ng mahigit kumulang 29-40% ng pambansang budget na pumupunta
sa debt payments. Ang patronage system at korupsyon sa pamahalaan ay
nakakadagdag din sa deficit, ngunit pinakamalaking dahilan ay ang pag-AMEN natin
sa mga patakaran ng Internaional Monetary Fund at World Trade Organization
sa kasalukuyan.
Sa takbo ng
kasaysayan ng ekonomiya ng Pilipinas na kontrolado ng dayuhang kapital, sa
partikular ng mga Amerikano, ay malamang patuloy na masasadlak ito sa krisis
sa mga darating pang panahon sa kapinsalaan ng mayorya ng mamamayang
Pilipino. Sa kasalukuyan, lalong lumolobo ang utang panlabas ng Pilipinas.
Sa kabuuan, ang pakikipag-ugnayan natin sa World Trade Organization, at IMF-World
Bank sa nakaraan hanggang kasalukuyan ay naging puno lamang ng kadalamhatin
at kahirapan sa nakararaming Pilipino, ngunit kasarapan at kaligayahan sa
iilang mga mayayaman ng ating oligarkiya at dambuhalang mga korporasyong
dayuhan. Kailangan makaalpas na tayo sa wakas sa bitag ng mga dayuhan at
kakutsaba nila sa ating pamahalaan.