Apr 122013
 

KUMPREHENSIBONG KURSO SA IMPERYALISMO NG ESTADOS UNIDOS

(POKUS SA IMPERYALISMO NG E.U. SA PILIPINAS)

Para sa Philippine Anti-Imperialist Studies (PAIS)

Inihanda ni

Edberto M. Villegas

PAMBUNGAD

IKINARARANGAL ng Philippine Anti-Imperialist Studies (PAIS) na ilathala ang KUMPREHENSIBONG KURSO SA IMPERYALISMO NG ESTADOS UNIDOS na nakapokus sa imperyalismo ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang Kursong ito ay naka-balangkas sa porma ng isang modyul na pag-aaral ng katangian at epekto ng modernong imperyalismo ng Estados Unidos sa ating bansa. Sa partikular, nariyan ang kasalukuyang neo-kolonyal na paghahari ng imperyalismong U.S. sa Pilipinas na siyang nagpapatindi sa krisis nating pangkabuhayan. Kaya, masinop na sinipi ang mga batayang reperens o saligang babasahin na nauukol sa mga binalangkas sa bawat kabanata.

ANG KASALUKUYANG panahon ay naglalarawan ng papatindi at patuloy na paghihirap ng aping mamamayan sa buong daigdig na dulot ng imperyalismo. Saksi tayo sa ating sariling bansa —sa ating pang-araw araw na dinaranas ng mamamayan na nalugmok sa kahirapan at kagutuman — sa mga epekto ng modernong imperyalismo sa yugto nitong monopolyo sa daigdig. Ngunit ang imperyong ito ay dumaranas ng matinding krisis sa kanyang mga institusyong pinansyal, krisis sa kanyang badyet, krisis pulitikal at kabuhayan. Ito ay sa kabila ng pagbabago ng kanyang liderato na nagbabalatkayong mas “liberal” na Democratic Party, ngunit siya pa rin ang namumuno at nangangasiwa sa pandaigdigang imperyo. Ang imperyong ito ang sumasakop sa ekonomiya ng maraming bansa sa pamamagitan ng kanyang mga pangunahing transnational corporations tulad ng Exxon Mobil, Wal-Mart, Chevron, General Motors, General Electric, AT&T, atbp., at sa pamamagitan ng IMF-World Bank at World Trade Organization na sumasakop at nagdederekta sa mga institusyong pinansyal at pulitikal ng maraming bansa. Dagdag pa rito,ang kasalukuyang imperyo din ng Estados Unidos ay may mahigit na 750 base militar at mga pasilidad- sa halos 90 bansa sa labas ng kanyang sariling teritoryo at kung saan may naka-deploy na halos 300,000 tropang Amerikano. Bukod pa dito ang kanyang mga aircraft carrier, submarino, at iba pang barkong pandigma, at tulad ngayon, pati ang kanyang mga pwersang-militar ay nakalutang na at nagpapatrol sa malawak na alangaang sa itaas (outer space) upang bantayan ang interes ng Imperyo.

SA GANITONG KONTEKSTO ay mahalagang gawin natin na lalong sistematiko ang pag-aaral ng modernong imperyalismo. Inilalathala natin ang kursong ito sa layuning higit pang mapasigla at mapalalim at mapalawak ang ating pagkaunawa sa patuloy na pandarambong ng dambuhalang Imperyo ng Estados Unidos at ang pananalakay nito sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Inaasahan din nating magsisilbing gabay ang kursong ito at makapagbibigay ng matalas at kritikal na pag-aaral, tungo sa mas matibay na paninindigan, at lalong mapalakas at mapalawak ang ating anti-imperyalistang hanay.

Professor Roland G. Simbulan

Tagapangulo,

Philippine Anti-Imperialist Studies (PAIS)

NOBYEMBRE, 2012

BAHAGI I

ANG MONOPOLYO KAPITALISMO(IMPERYALISMO) NG E.U. sa KASALUKUYAN

Ano ang monopolyo kapitalismo? – Ang monopolyo kapitalismo ay ang huling yugto ng kapitalismo sa daigdig, tinatawag din ito na bagong imperyalismo. Ito ay yugto ng kapitalismo na nag-uugnayan ang negosyo sa manupaktura ng mga kapitalista at negosyo nila sa pinansiya, ang huli sa pamamagitan ng pagpahiram ng mga kapital na pinapatawan ng mga interes. Dahil ang mga kapitalistang bansa ay nakakaranas ng sobrang produksyon sa loob ng kanilang teritoryo, kailangan maghanap sila ng ibang lugar para ipagbenta ang kanilang mga produkto , kumuha ng mga hilaw na yaman at ipahiram ang kanilang sobrang kapital upang ito’y tuluyang kumita. Kalimitan ang mga kumpanya sa manupaktura ay may isang malaking bangko o kaya Investment House, kung saan naka-deposito ang mga kinita ng mga korporasyon na ito(mga TNCs). Ang bagong imperyalismo na kakaiba sa lumang imperyalismo na nagluluwas lamang ng mga sobrang produkto ay dumating sa daigdig sa mga huling dekada ng 19th siglo. Sa kasalukuyan(2012) ang bagong imperyalismo o imperyalismo ng kapital sa pinansiya ay makikita sa pagusbong ng mga higanteng institusyon sa pinansiya na nagpapahiram ng malalaking kapital sa mga bansa lalo na sa Ikatong Daigdig(Third World) o di pa mauunlad na bansa. Ang mga pangunahing instititusyong ito ay ang International Monetary Fund(IMF) , World Bank (WB) na bangko ng United Nations, Asian Development Bank(ADB) at Inter-American Development Bank sa Latin Amerika na lahat ay itinayo sa pamumuno ng maka-kapitalistang gobyerno ng EU at pinapahiraman ng kapital ng mga pribadong malalaking bangko nito(mga transnational banks, TNBs) kung saan ang mga deposito ng mga kumpanya sa manupaktura(TNCs) ng mga Amerikano ay nakalagak. Ang ganitong kalagayan ay ang pagdodomina ng kapital ng pinansiya na kumikita ng interest at dibidendo sa ekonomiya ng buong daigdig na binansagan na monopolyo kapitalismo.

<!–[if !supportLists]–> A. <!–[endif]–> Ang Pag-usbong ng EU bilang pangunahing imperyalistang bansa

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Pagkatapos ng World War II, pinalitan ng EU ang Inglatera bilang pangunahing imperyalistang bansa sa daigdig.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Nawasak ang Inglatera at iba pang bansa sa Europa, hal. Pransiya, Belguim, dahil sa pagbobomba at pananalakay ng hukbong Nazi ni Hitler. Pati na ang Germany ay wasak din sa pagbobomba naman ng mga Allies.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Itinayo ng EU ang pinapalabas niyang mga multilateral institutions(samahan ng maraming bansa) sa ekonomiya , ang IMF (International Monetary Fund) at WB(World Bank) ,at ang United Nations(UN) sa pulitika.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Ang naghahawak sa IMF-WB na ang headquarters ay sa Washington, US, ay walong kapitalistang bansa(Group of 8) sa Board of Executive Directors, pinangungunahan ng E..U.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Sa United Nations naman ang pangunahing nagpopondo dito ay EU din at siya ang pinaka-imaimpluensa sa tinatawag na pinakamataas na Security Council nito na binubuo ng mga limang permanenteng (tinatawag na P5) opisyal galing sa limang bansa. Lahat na bansang ito ay dinodomina ng mga kapitalista(US, UK, France, China at Russia).

<!–[if !supportLists]–> B. <!–[endif]–> Ang Structural Adjusment Program ng IMF-WB

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Para kontrolin ng IMF ang pangangalakal ng isang bansa, lalo na sa tinatawag na Third World(Pangatlong Daigdig), ay binatay niya ang pagpahiram dito sa mga kondisyon na gagawin ng huli sa ilalim na tinatawag na Structural Adjusment Program(SAP) o ang pagrereistruktura ng isang buong sektor ng lipunan, kagaya ng sa manupaktura, sa pagbabangko, sa enerhiya , sa agrikultura at sa edukasyon. Ipinapatupad din sa humihiram na bansa ang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon.

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Ang pagrerestruktura ng isang sektor ng ekonomiya ay para serbisyuhan ang interes ng mga kapitalistang bansa, partikular ng EU.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Ang pagrestruktura ng sektor na ito sa larangan ng manupaktura ay ang pagtransporma nito bilang export-oriented at import-dependent , sa partikular ang pagpapatayo ng mga export processing zones(epz) at mga industrial estates na susuportahan ng gobyerno na humihiram na bansa, pagpayag pumasok ang mga malalaking dayuhang bangko sa larangan ng pinansiya, ang pagbigay ng prioridad sa mga export crops sa sektor ng agrikultura at mas maluwag na pagpapasok ng mga dayuhang korporasyon sa larangan ng serbisyo publiko, kuryente, langis at transportasyon, at ang pagpripribitasa sa mga tinatawag na state colleges and universities(SCUs) sa larangan ng edukasyon.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Doble bentahe (double whammy ang tawag dito sa ingles) ang epekto ng SAP dahil bukod pa sa pagbayad ng interes sa utang, makokontrol pa ng EU ang lipunan na humihiram na bansa.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang liberalisayon, pribatisasyon at deregulasyon o ang tinatawag ng mga Pilipino na LAPIDA ay bahagi din ng SAP.

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Ang liberalisasyon ay mas maluwag na pagbukas ng isang ekonomiya sa mga produkto mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng mababa o walang taripa.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Ang pribatisasyon ay pagbenta ng isang gobyerno ng kanyang mga korporasyon ng sa gayun ay makalikom ito ng kapital bilang bahagi ng pambayad ng utang panlabas, at para na rin mabawasan ang pagkumpentensiya sa mga negosyo ng mga dayuhan sa loob ng bansang umuutang.

<!–[if !supportLists]–> c. <!–[endif]–> Ang deregulasyon naman ay ang di pagkontrol sa pagpresyo ng mga dayuhang korporasyon, partikular ng mga TNCs, sa kanilang mga produkto at sa iba pang aktibidades nila, kagaya ng patakaran ng kontraktwalisayon ng mga manggagawa.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Ang IMF ay nagpapatudpad din ng mga tinatawag niyang mga “austerity measures” (o pagtitipid sa badyet ng gobyerno sa larangan ng serbisyo sosyal – edukasyon, pangpagamot, pambahay, sweldo ng mga kawani sa gobyerno at iba pa) para ibayad ang natipid na pondo sa utang panlabas.

<!–[if !supportLists]–> C. <!–[endif]–> Ang Globalisasyon

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Nilunsad ng E.U. ang tinatawag niyang globalisasyon noong mga huling taon ng 1980’s sa suporta ng mga ka-alyado niyang mga kapitalistang bansa(Group of 7) na binubuo ng Inglatera, Japan, Italy, France, Canada, Germany at E.U. upang lalong kontrolin ang ekonomiya ng daigdig, lalo na sa pangangalakal. Di nagtagal, pinalawak ng Group of 7 ang pangkat nila sa Group of 20 na bukod sa kanila ay binubuo ng tinatawag na sub-capitalist na bansa(saling- pusang ibang kapitalistang bansa) kagaya ng Australia at New Zealand.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Itinayo ng Group of 7 ang World Trade Organization(WTO) noong 1995 para lalong konsolidahin ang pangangalakal sa daigdig, lalo na sa tinatawag na Third World, mga bansa ayun sa termino ng WB na umuunlad pa(developing countries) kumpara sa mga kapitalistang bansa na maunlad na(developed countries). (May mga pinalabas na ibang mga bagong terma ang WB para ingganyuhin ang mga bansa sa Third World sumunod sa mga patakaran ng IMF-WB – “tiger economies”, “emerging markets” at “gobal village”.)

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Ipinatupad ng WTO ang GATT(General Agreement on Tariffs and Trade) noong 1995 upang lamangan ang Third World sa pangangalakal na tinatawag ng mga kapitalisang bansa na “free trade” o malayang pangangalakal. Ayon sa WTO, ang globalisasyon daw ay “levelling the playing field”, patas daw ang laro.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Sa ilalim ng GATT, ang mga imperyalistang bansa, sa partikular ang E.U., ay ipinagbawal sa mga myembro ng WTO kagaya ng Pilipinas na protektahan nito ang negosyo ng mga lokal o katutubo para daw maging patas ang pangangalakal sa mga bansa sa labas. Di nito isinasaalang-alang kung mas malakas ang ka-kumpetensiya sa pangangalakal , kagaya ng Pilipinas laban sa E.U.

<!–[if !supportLists]–> c. <!–[endif]–> Pinapaalis o ipinapababa din ng GATT ang mga taripa o mga buwis ipinapataw sa mga imports sa pangalan ng “free trade” o liberalisasyon. Ang tawag sa patakaran na ito ng mga intelektwal sa akademiya ay “bagong liberalisasyon” o “neo-liberalism” sa pangangalakal na lalong binuksan ang mge ekonomiya ng Third World kumpara sa lumang liberalisasyon na ipinatupad ng E.U. noong pang dekada 60’s o “open door policy”.

<!–[if !supportLists]–> d. <!–[endif]–> Ipinatupad din ng WTO ang GATS(General Agreement on Trade and Services) noong 1996 kung saan ang pagtayo ng mga negosyo na nagbibigay ng serbisyo mula sa ibang bansa kagaya ng mga bangko, restoran, paaralan, serbisyo sa public utilities (kuryente, tubig, atbp), ay hayaang malayang makapasok sa isang bansa.

<!–[if !supportLists]–> e. <!–[endif]–> Inilabas din ng WTO ang TRIMS(Trade-Related Investment Measures) at TRIPS(Trade Related Intellectual Property Rights) noong 1996. Ang una ay pagbabawal sa isang bansang myembro ng WTO na kontrolin ang mga aktibidades ng isang kumpanyang dayuhan(TNC) sa loob ng teritoryo nito at ang pangalawa naman ay isang tratado na nagbabawal na gayahin ng bansang may TNC ang mga imbento ng dayuhang korporasayon.

<!–[if !supportLists]–> f. <!–[endif]–> Nagtayo ang WTO ng hukuman upang litisin ang mga lumalabag na myembro sa kanyang mga patakaran.

<!–[if !supportLists]–> g. <!–[endif]–> Ang masusing sumusunod ng mga patakaran ng WTO ay mga mala-kolonyal na bansa, lalo na ang Pilipinas, dahil di naman sinusunod ng Group of 7ang mga alintuntunin na ito na sila din ang gumawa. Halimbawa, ang Japan ay ayaw lubusang papasukin ang mga import mula sa E.U., kagaya ng mga kamera at mga karne ng baka, bagaman binabalaan ng E.U. na idedemanda ang Japan sa korte ng WTO. Di sineseryoso ng Japan ang korte na ito kagaya ng Pilipinas na pinilit pinapirma ng E.U. tanggapin ang maling nalagdaan ng una na pag-angat ng tone-toneladong baboy mula sa labas na nakakapatay sa lokal na negosyo. Kung hindi daw sumunod ang Pililpinas, ay idedemanda sa korte ng WTO. Ang gobyerno ng Pilipinas naman ay natakot at ipinatupad ang maling kontrata na sa suspetsa ng iba ang mga negosyanteng Kano ang nagsingsit ng maling dami ng tonelada baboy na kailangan iimport ng una na hindi naman napansin ng mga negosyador nila sa Geneva, punong himpilan ng WTO.

<!–[if !supportLists]–> D. <!–[endif]–> Ang Kaso ng Pilipinas

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Sinali ng EU ang Pilipinas sa IMF-WB noong itinayo ito sa taong 1946

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Mula sa panahon ni Ferdinand Marcos noong 1966 hanggang sa panahon ni Arroyo, 35 mula sa IMF na programa ang ipinatupad ng Pililpinas na ang karamihan ay mga SAPs na inumpisahang ipinairal ng IMF sa taon 1979.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ni-reistruktura ng Pilipinas ang sektor ng kanyang ekonomiya sa larangan ng manupaktura at enerhiya(1979), sa pinansiya(1980), larangan ng agrikultura(1982) at larangan ng edukasyon(1982).

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Sa kasalukuyan, tapos na ang pagrerestruktura sa larangan ng manupaktura, enerhiya, agrikultura at pangpinansiya at tumatakbo ngayon ang mga sektor na ito batay sa mga SAPs ng IMF-WB. Sa katunayan dito itinatag noong 1968 ng WB ang sangay niya sa Asya, ang Asian Development Bank(ADB). Sa Latin America naman, may Inter-American Development Bank sangay ang WB.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Ang pagrerestruktura sa larangan ng edukasyon ay di matapos-tapos dahil sa matinding pagtutol ng mga aktibistang estudyante at guro sa pribitasisasyon ng SCUs(state colleges and universities).

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Nakaalis ang Pilipinas sa pagutang sa IMF noong 2004 bagaman ang mga SAPS ay nakabaon na sa mga sektor na nabanggit. Ngunit, ang Pilipinas ay may malaking utang pa sa WB at mga TNBs(lalo na sa Paris Club of 400 TNBs) na inisponsor ng IMF-WB. Pineresyur ng IMF ang Pilipinas na pahiramin ng $1.5 bilyun na deposito ng Pilipinas sa IMF( na ang bulto ay hiniram din ng huli) ang mga kaalyadong ng E.U. na mga kapitalistang gobyerno sa Europa, partikular ang Gresiya, na nakakaranas ngayon ng matinding krisis sa ekonomiya(tatalakayin sa Bahagi II).

<!–[if !supportLists]–> 7. <!–[endif]–> Pinapasa ang pagbayad sa malaking utang- panlabas na lumubo na sa mga $60 bilyun sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga “austery measures” at pagtaas ng mga buwis at iba pang fee na binabayad ng tao sa gobyerno, halimbawa sa pagkuha ng driver’s license. May batas sa Pilipinas, ang Automatic Appropriation Law (PD 10II), na nagsasaad na uunahin muna ang pambayad sa utang panlabas bago sa anumang pangastos ng gobyerno ng Pilipinas. Ibig sabihin, kung sobrang lumaki ang utang panlabas, baka wala ng matira sa badget para sa ibang pangangailangan ng mga Pilipino. Ngunit ang pondo sa militar ay di binabawasan at lumalaki din kagaya ng sa utang panlabas ng sa gayun ay patuloy bumili ng kagamitan pandigma ang gobyerno mula sa E.U.

<!–[if !supportLists]–> 8. <!–[endif]–> Malaking porsyento ng utang panlabas ng Pilipinas ay napupunta lamang sa bulsa ng mga presidente nito sa partikular kay Marcos(mga 60% ng utang panlabas) at kay Arroyo at sa kanilang mga kasabwat.

<!–[if !supportLists]–> 9. <!–[endif]–> Ang Pilipinas ay pinaglagdaan ng EU sa ilalim ng WTO na tinatawag na Agreement on Agriculture (AoA) kung saan binibigyan prioridad ang mga export crop sa mga tinatawag na ARC(Agrarian Reform Communities). Maraming lugar naagrikultural na kinumbert mula sa pagtatanim ng palay tungo sa pagtatanim ng export o cash crops, kagaya ng goma, cutflowers, at iba pa. Kaya di kalaunan, mula sa isang nangungunang tiga-luwas ng bigas ang Pilipinas sa Asya, naging numero uno itong taga-angkat ng bigas sa buong daigdig.

<!–[if !supportLists]–> 10. <!–[endif]–> Marami din lupang agrikultural sa Pilipinas bukod sa mga ARCs na kinokumbert para gawin naman na mga industrial estates, mga golf course, tourist resort, atpb. para sa kapakanan ng mga dayuhan.

<!–[if !supportLists]–> 11. <!–[endif]–> Sa pag-apruba ng Mining Act of 1995 sa ilalim ng SAP at TRIM ay nagdagsaan sa bansa ang mga kumpanya pangmimina ng mga dayuhan na sinsira ang kalikasan ng bayan at nakakapinsala sa mga mamamayan sa pamamagitan ng taunang pagbaha sa maraming lugar dahil nakakalbo na ang mga bundok at gubat.Pati na ang kapakanan ng mga katutubong Pilipino(idigenous people) ay napipinsala dahil ang kanilang kagubatan(ancestral lands) ay sinisira ng mga malalaking dayuhang korporasyon nagminina at ng mga kasosyong nitong mga Pilipino.

 

MGA PILING BABASAHIN

Bagchi, Amiya, The Political Economy of Underdevelopment, 1982.

Barnet, Richard J., Global Dreams: Imperial Corporations and the new World Order, 1994.*

Broad, Robin, Plundering Paradise: the struggle for the environment in the Philippines, Anvil, 1993.

Cavanagh, John, Daphne Wysham & Marcos Arruda, ed., Beyod Bretton Woods, Pluto Press, 1994.

Chossudovsky, Michel, The Globalization of Poverty, Impacts of IMF and World Bank reforms, 1997.*

Clairmont, Frederick F., The Rise and Fall of Economic Liberalism, Southbound, Third World Network, 1996.

Contract Growing: Intensifying TNC Control in Philippine Agriculture, IBON Books, 2002.

De Rivero, Oswaldo, The Myth of Development(Non-Viable Economies of the 21st Century), trans. by Claudio Encinas and Janet Herrick Encinas, Zed Books, London, 2001.

Development Theory, Four Critical Studies, ed. by David Leheman, Frank Cass, 1979.

Drug Industry in the Philippines, IBON Industry Primer Series, 2001.

Export Processing Zone, IBON Primer Series, 2005.

Fast, Jonathan & Richardson, Jim, Roots of Dependency, Foundation for Nationalist Studies, 1979.

Feder, Ernest, Perverse Development, Foundation for Nationalist Studies, 1983.

Frank, Andre Gunder, Critique and Anti-Crirtique: Essay on Dependence and Reformism, Praeger, 1984.

Guerrero, Amado, Philippine Society and Revolution, 1979.*

Guyatt, Nicholas, Another American Century, The United States and the World after 2000, Pluto Press, 1998.

Hoogvelt, Ankie, The Third Global Development, 1982.

Institute of Political Economy, Maikling Kurso sa Ekonomiya ng Pilipinas, Ikalawang Edisyon, 2000.*

Krugman, Paul, International Economics: Theory and Policy, 7th Edition, 2006.

Lang Tim and Coline Hines, The New Protectionism, Protecting the Future against Free Trade, Earthscan Publ., London, 1993.

Lenin, V. I., Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, Progress Publisher*

Marx, Karl and Engels, Frederick, The Communist Manifesto*

Marx, Karl, Capital, Third Volume, Progress Publisher.*

Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in thePhilippines, ed. Jose, Vivencio R.,Foundation for Nationalist Studies, 1982.*

Nabudere, Dan, The Political Economy of Imperialism, Zed Press, 1977.*

Pest, Richard, Unholy Trinity, the IMF, World Bank and the WTO, Sird, Kuala Lampur, 2003.

Poverty and growth in the Philippines, Richter, Reiner, Friedrich Stiftung, 1989.

Symposium: Feudalism and Capitalism-Trends and Implications, Foundation for Nationalist Studies, 1982.

Shalom Stephen R., The US and the Philippines: A Study of neo-colonialism, , 1985.*

The Philippine Banking Sector, IBON Industry Primer Series, 2003.

The Lichauco Papers: Imperialism in the Philippines, Monthly Review, 1973.

The Philippine Oil Industry, IBON Industry Primer Series, 2002.

The Philippine Financial System, IBON Primer Series, 1993.

TNCs in the thick of everything, IBON, the Book Series.*

Todaro, Michael, Economic Development in the Third World, Longman, 1989, 4th edition.*

Sison, Jose Maria & de Lima, Juliet, Philippine Economy and Politics, Aklat ng Bayan Publ. House, 1998.*

Tujan, Antonio, Globalizing the Philippines, Institute of Political Economy Journals, September, 1996.*

The Impact of the WTO Agreement on Agriculture, ed. Tujan, Antonio, IBON Books.

Villegas, Edberto, Studies in Philippine Political Economy, Silangan Press, 1984.*

Villegas, Edberto, Global Finance and the Philippine Financial System, Institute of Political Economy, 2000.*

________________ Political Economy of Philippine Labor Laws, Foundation for Nationalist Studies, 1987.

*Yun mga may asterisk ay mga basikong babasahin.

 

 

 

 

BAHAGI II

ANG PAULIT-ULIT NA KRISIS NG KAPITALISMO

Ang pundamenta na krisis ng sistemang kapitalismo ay ang krisis ng sobrang produksyon dahil likas sa mga kapitalista kumamal ng tubo sa gawa ng kanilang mga mangagagawa. Ang mga mangagagawa ay di binabayaran ng tunay na halaga na nililikha nila at ang sobrang halaga (surplus value) na nangggaling sa gawa nila ay nagiging tubo para sa kapitalista. Ang mga kapitalista ay gumagamit ng mga makina(ito ang moda ng kanilang produsyon) para lalong palakihin ang sobrang halaga na nakukuha nila sa mga manggagawa.Ang kinalabasan nito, nagkakaroon lagi ng sobrang produksyon sa ekonomiya ng kapitalismo dahil di mabili ng mga mangagawa nila na siyang pinkabulto ng mga bumibili(konsuymer) ng mga produkto sa palengke ang kanilang mismong nililikhang mga kalakal. Kaya paulit-ulit ang krisis ng sobrang produksyon sa sistemang kapitalismo at laging humahanap ang mga kapitalista ng mga bagong lugar upang itambak ang mga sobrang produkto. Para iwasan din ang sobrang produksyon, nilikha nila ang palengke sa pinansiya upang inganyuhan ang publiko maglaan ng kapital sa kanilang negosyo. Kaya kikita sila sa palengke sa pinansiya kahit na walang produsyon ng mga kalakal na nangyayari. Ngunit, nagkakaroon ng bagong uri ng krisis sa loob ng palengke ng pinansiya na tinatawag na ang pagputok ng bubble economy. Ang yugto nang ang mga kapitalista ay lumipat sa palengke ng pinansya upang mabilis tumubo ay ang tinatawag na bagong imperyalismo o monopolyo kapitalismo.

 

<!–[if !supportLists]–> A. <!–[endif]–> Ang Unang Krisis sa Ekonomiya ng Kapitalismo

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Noong unang pag-usbong ng kapitalismo sa Europa, sa partikular sa bansang Inglatera, ang anyo nito ay yung tinatawag na kapitalismo sa komersyo(commercial capitalism), kung saan naka-sentro ang pagtubo nito sa pagbenta ng mga kalakal sa publiko.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Niluwas ng mga kapitalistang ingles ang mga sobrang produkto nila sa labas dahil di mabenta ang mga ito sa lokal na palengke dulot ng mababang pasahod ng mga

manggawang ingles na siya mismo ang karamihang mamimili(consumer) sa palengke.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang pagdami ng pagawa ng mga kalakal sa Inglatera dahil sa paggamit ng mga makina sa panahon na tinatawag na rebolusyong industriyal sa bansang ito ay nagtulak sa mga kapitalista na suportado ng kanilang gobyerno humanap ng mga bagong teritoryo o kolonya upang itambak ang mga sobrang produkto.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Ang kapitalismo sa komersyo, unang yugto ng imperyalismo sa daigdig, sa Inglatera ay dumating sa daigdig noong mga unang dekada ng 19th na siglo.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Ang ibang bansa sa Europa, ang Alemanya(Germany), Netherland, Belgium, Pransiya, at Italya ay pumasok din sa yugto ng pagamit ng mga makina sa produksyon o moda ng produksyon ng kapitalismo noong kalagitnaan ng 19th na siglo.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Dumating ang unang krisis ng sobrang produksyon ng mga kalakal sa mga bayang kapitalista sa Europa noong 1871 na nagdulot ng matinding kahirapan sa mga mamamayan sa Europa. Sumiklab ang Paris Commune noong 1871 na pagaalsa ng mga manggagawa sa suporta ng mga intelektwal. Natalo ang Paris Commune ng mga hukbo ng mga burgis.

<!–[if !supportLists]–> B. <!–[endif]–> Salpukan ng mga Kapitalistang Bansa

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Mula 1871, hanggang pagpasok ng 20thna siglo, pina-igting ng mga kapitalistang bansa sa Europa ang paghahanap nila ng mga bagong teritoryo para pagkuhanan ng mga likas na yaman nito at mura at libreng gawa mula sa mga nakatira doon.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Ang E.U. na nakakaranas na din ng sobrang produksyon ay sumali sa pag-aagawan ng mga teritoryo sa daigdig.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Nagkaroon ng salpukan ang Gran Britanya, nangungunang imperyalistang bansa noong panahon na yun, at mga mamamayan ng Netherland sa South Africa upang kontrolin ang pagmamanupaktura ng ginto na natuklasan sa lugar na ito (Boer War of 1890).

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Ang E.U. naman ay inagaw ang mga kolonya, kasama na ang Pilipinas, ng Espanya, na pinakamahinang bansa sa Kanluran Europa.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Ngunit, pansamantala lamang ang paglampas ng mga kapitalistang bansa sa unang krisis ng sobrang produksyon sa kalakal ng 1871 dahil pagsapit ng 1911, dumating ang pangalawang krisis ng sobrang produksyon sa kanilang mga palengke at lalong tumindi ang kumpitesyon nila makakontrol ng mga bagong lugar mayaman sa mga materyal lalo na sa langis na nagiging pundasyon sa industriya.

<!–[if !supportLists]–> C. <!–[endif]–> Ang Unang Pandaigdigan Digmaan ng mga Kapitalistang Bansa(1914-1918)

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Sa agawan ng mga Ingles at Aleman sa pagkontrol sa langis na natuklasan sa Gitnang Silangan nahantong ito sa Unang Pandaigdigang Digmaan(World War I) .

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Nagsamahan sa digmaang ito sa dalawang panig ang mga bansa: Sa unang grupo na tinatawag na Allied Forces – Inglatera, Pransiya, Italya, Rusya at E.U., sa pangalawang grupo na ang tawag ay Central Power–Germany, Austria-Hungary at Turkey.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang karamihan sa 9 milyun namatay sa Unang Pandaigdigang Digmaan ito ng mga kapitalistang bansa ay mga manggagawa ng daigdig na siyang ginagamit ng mga gobyerno ng mga kapitalista bilang mga sundalo. Dahil dito, umalis ang Rusya sa digmaang ito pagkatapos ng rebolusyong Bolshevik noong 1917 sa pamumuno ng uring manggagawa.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Lalong lumaki ang tubo ng monopolyo kapitalismo sa E.U. sa pagbebenta ng mga kagamitan pandigma noong Unang Pandaigdigan Digmaan

<!–[if !supportLists]–> D. <!–[endif]–> Ang Pagdating ng Krisis sa Pinasiya ng Monopolyo Kapitalismo sa E.U. na nakaugat din sa Sobrang Produksyon

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Dahil sa sobrang tubo na nakamal ng mga kapitalistang korporasyon sa E.U. mula sa World War I, nilaan nila ang malaking bulto nito sa stock market ng Wall St. upang kumita ng mas malaki sa maiksing panahon.

_________Kung gagawa pa ng mga produkto ang mga kapitalistang Kano, baka lalo madagdagan ang sobrang produksyon dahil limitado ang kanilang palengke sa loob at labas ng kanilang bansa. Talo pa sila sa pangangalakal sa labas ng Gran Britanya at kahit na Japan ay nilalampasan din sila dito.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Ang “bubble economy” – Ang paglaan ng malaking kapital(pag-invest)l sa stock market na kumikita sa pamamagitan ng interest at dibidendo ay gumagawa lamang na tinatawag na “bubble economy”. Ang “bubble economy” ay ang paglubo ng ekonomiya batay sa mga asset, pahiram na kikita pa sa isang takdang panahon(stocks, bonds, derivatives) at iba pang security papers na ito(mga papel lamang) na ang karamihan ay walang katumbas na halaga sa aktwal na produksyon ng isang ekonomiya. Ang mga security paper na ito ay tinatawag ni Karl Marx mga “fictitious capital” o “kunyaring capital”. Dadag dito ay maraming tusong kapitalista, lalo na sa Wall St. sa Amerika, na minamanipula ang mga stocks at ibang security papers sa pamamagitan ng “inside trading”, “pyramid scam”, “short selling” at iba pang paraan para pataasin ang halaga ng mga ito at maraming naloloko na mga tao na bumibili ng mga papeles na ito sa wari’y kikita sila kapag pinagbili naman nila ito sa mas mataas na halaga.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang mga kapitalistang Amerikano sa manupaktura kagaya nina Schwab(steel magnate)at Ford at Chrysler(auto magnates) ay nagtayo ng mga Investment Houses upang lalong palaguin ang kanilang nakaimbak na kapital.

<!–[if !supportLists]–> E. <!–[endif]–> Ang “Great Depression ng 1929”- Unang Krisis sa Pinansiya ng Monopolyo Kapitalismo

1. Pumutok ang “bubble economy” ng monopolyo kapitalismo ng Kano noong 1929 na tinawag na “Great Depression of 1929”. Ito ay ang unang krisis sa pinansiya ng kapitalismo(finance capital) na kaiba sa dalawang krisis ng unang yugto ng kapitalismo o ng kapitalismo sa komersyo na tinalakay na natin.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Dahil sa “Great Depression ng 1929”, maraming maliliit na kapitalista ang nangalugi at milyun-milyun manggagawa ang nawalan ng trabaho. Lumaganap ang kahirapan sa E.U. at naapektuhan din ang mga bansa sa Europa, kung saan may investment sa E.U. lalo na ang Alemanya na iniipit ng mga Allies sa pamamagitan ng Versailles Treaty ng 1919 pagkatapos matalo ito sa World War I.

<!–[if !supportLists]–> F. <!–[endif]–> Ang Pangalawang Pandaidigan Digmaan ng Kapitalistang Bansa(World War II)(1939-1945)

1. Lumakas ang pwersa ng Nazi Party ni Hitler sa Germany(Alemanya) na suportado ng mga kapitalistang Aleman at sumiklab ang pangalawang digmaan ng mga kapitalistang bansa ng tangkahin ni Hitler mag-agaw ng mga teritoryo sa Poland para paunlarin ang ekonomiya na mga kapitalistang Aleman.

2. Sumali muli ang E.U. sa mga Allies at ang kanyang mahigpit na ka-ribal sa pangangalakal,ang Hapon, ay umanib naman sa mga Axis na bansa(Germany at Italy).

3. Muling kumita ng bilyun-bilyung dolyar ang mga kapitalistang Kano sa pagbebenta ng mga kagamitan pandigma sa mga Allies, kung saan sinali din ang dating kaaway niyang Komunistang Rusya sapagkat sinalakay ng mga Nazi ang bansang ito noong 1941.

4. Nilampasan ng E.U. Ang Great Depression ng 1929 dahil sa malaking tubo

ng mga kapitalista niya sa World War II.

<!–[if !supportLists]–> G. <!–[endif]–> Ang Pangalawang Krisis sa Pinansiya ng Monopolyo Kapitalismo

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Ang panahon ng 1949-1969 ay tinatawag ng mga kapitalistang Kano na “Golden Age” dahil tuloy tumataas ang tubo nila. Ito ay panahon ng mga gera nila,(Korean War, 1950-1953) at Vietnam War(1965-1973) kung kailan ang monopolyong kapitalismo ng E.U. ay nanguna at tumubo ng malaki muli sa pagbenta ng kasangkapang pandigma.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Ngunit, pagkatapos ng Vietnam War, bumaba muli ang tubo ng mga kapitalistang Kano sa manupaktura at pinalaki nila ang kanilang investment sa money market(sa stock market at investment houses) kung saan iniinganyo nila ang mga ordinaryong mamamayan at kahit na isang boung gobyerno na mag-invest din.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Lumobo muli ang bubble economy sa E.U. at pumutok ito sa pangalawang pagkakataon noong 1985 na ang tawag ay Black Monday Crash of October. Maraming Amerikano ang nawalan ng trabaho sa panahong ito.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Niligtas ng kapitalistang gobyerno sa pamamagitan ng bail-out ang mga naluluging korporasyon ng monopolyo kapitalista sa partikular sa real estate business.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Upang iwasan ang patuloy na sobrang produksyon, maigting itinulak ng imperyalistang gobyerno ng EU noong 1989 ang tinatawag niyang “globalization”(tinalakay na) para mas maitambak ng mga kapitalista niya ang mga sobrang produkto sa ibang bansa at upang humanap ng mga palengke sa pinansiya(finance market) sa labas ng kanyang teritoryo na pagtutubuan ng malaki ng kanyang mga sobrang kapital. Kasama na dito, ang pagpapautang sa mga bansa sa ilalim ng SAPs na natalakay na rin natin.

<!–[if !supportLists]–> E. <!–[endif]–> Ang Pangatlong Krisis sa Pinansiya ng Monopolyong Kapitalismo ng E.U.

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Dahil sa kaswapangan ng mga TNCs ng Kano kumita ng malaki, sa particular ng mga kumpanya sa computer industry nang naging uso ang paggamit ng computer, pinalaki muli ng mga monopolyo kapitalista ang investment nila sa Wall St. Sila ay mga parang di nagbabagong adik sa droga(sa kasong ito adik kumita ng malaking tubo).

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Noong 2000, sumambulat sa E.U. ang pangatlong pagputok ng bubble economy nila dahil sa paglubo ng “kunyaring kapital”(fictitious capital o speculative investment) sa Wall St. Ito ay ang tinatawag na “dot.com collapse” ng ekonomiya ng EU dahil ang karamihan nalugi dito ay mga kumpanya sa computer industry kagaya ng World Com, Adelfa at Tyco.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Biglang dumating ang War on Terror ng imperyalistang EU nang pabagsakin ng isang grupong Muslim ang World Trade Center at Pentagon, ang tinatawag na atake ng mga terorista, noong Septyember 11, 2001. Ang sabi ng maraming intelektwal sa Europa at Latin Amerika, ang CIA mismo na kontrolado ng monopolyo kapitalismo ng Kano ang nasa likod ng 9/11 terror sa EU.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Pumasok ang imperyalistang gobyerno ng E.U. sa mga bagong digmaan laban sa Afghanistan at Iraq pagktapos ng 911.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Tumaas muli ang kita ng mga korporasyon ng Kano dahil sa pagawa ng kagamitan pandigma noong 2002. Ang GDP ng E.U.na ang karamihan ay napupunta sa pinakamataas na 1% ng kanyang populasyon ay umangat sa 4.5% noong 2002 dahil sa gera laban sa Iraq at Afghanistan.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Sa panahon ng War on Terror, patuloy ang paglaki ng investment ng mga TNCs at TNBs ng Kano sa Wall St. at patuloy din ang pag-inganyo nila at panloloko sa mga ordinaryong tao para bumili ng mga security paper nila(partikular ng mga stocks) lalo na sa real estate business.

<!–[if !supportLists]–> F. <!–[endif]–> Ang Pang-apat na Krisis sa Pinansiya ng Imperyalistang Kano

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Pumutok ang paglobo ng palengke sa pinansiya ng monopolyo kapitalismo ng Kano ng pang-apat na beses noong 2008 na nagsimula muli sa negosyo nila sa real estate(sub-prime mortgage crisis).

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Maraming malalaking bangko(Bank of America, Wells Fargo, Stanley Morgan, atbp.) at mga investment houses(Lehman Bros.Fredy Mac at Fanny May, AIC, atbp.) ang nalugi ng malaki dahil sa pagputok ng bubble economy noong 2008. May di na nakabangon muli kagaya ng Lehman Bros. at Fredy Mac at Fanny May.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Kumalat ang krisis pangpinansiya ng 2008 sa ibang bansa, sa Europa, Asya, Australia, at Latin Amerika dahil sa koneksyon ng mga negosyo ng mga kapitalista sa pamamagitan ng electronic business sa computer.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Kumalat ang krisis sa pinansiya sa manupaktura sa E.U. at sa ibang bansa dahil tinigil ng maraming TNBs ang pagpapahiram nila ng kapital sa mga negosyo. Maraming kapitalistang korporasyon ang nagsaraduhan at pati na ang mga TNCs kagaya ng Ford, Chrysler at Chevorlet ay nangalugi.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Muli, pinahiram ng malaking halaga ang mga naluluging monopolyo kapitalista sa E.U. ng kanilang gobyerno sa pamamagitan ng bail-out. Nagkautang-utang ng malaki ang gobyerno ng E.U. para sa mga bail-out na ito na ang pagbabayad ay ipapasa sa mga ordinaryong mamamayan niya. Ganito din ang nangyayari sa mga bansa sa Europa, sa partikular sa Gresiya, Espanya, Inglatera, Ireland, Portugal at Italya. Ito ang tinatawag na “sovereign debt crisis” ng mga bansang ito na ang mga mamamayan nila ang pinapahamak upang iligtas ang mga nababankaroteng mga kapitalistang korporasyon at bangko na malapit sa gobyerno. Binabawasan ng mga kapitalistang gobyerno ng E.U. at ng bansa sa Europa ang badyet nila sa serbisyo sosyal, kagaya ng sa edukasyon, sa pagpagamot, pabahay, public utilities kagaya ng transportasyon, sahod ng mga kawani ng pamahalaan, pensyon ng mga matatanda at iba pa.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Milyun-milyun tao ang nawawalan ng trabaho at naghihirap dahil sa bagong krisis sa pinansiya sa EU, Europa at iba pang kapitalistang bansa.

<!–[if !supportLists]–> 7. <!–[endif]–> Ang pang-apat na krisis sa pinansyang ito ng monopolyo kapitalismo o imperyalismo na naka-ugat din sa sobrang produksyon sa ekonomiya ay nalalampasan na ang Great Depression ng 1929 sa tindi at tagal nito. Ngayon(2012), di pa humuhupa ito at maaaring lumala pa.

<!–[if !supportLists]–> G. <!–[endif]–> Ang Reaksyon ng mga Mamamayan ng daigdig sa Kasalukuyang Krisis sa Pinansiya ng Monopolyo Kapitalismo

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Sa Europa, sumiklab ang mga malawakang demonstrasyon ng mga ordinaryong mamamayan, mga nagtratrabaho sa gobyerno, mga nawalan ng trabaho, mga estudyante, mga matatanda binawasan ng pension, atbp, dahil sa pagkaltas ng malaki ng mga gobyerno nila ng badget para sa serbisyo sosyal upang maglaan ng bail out sa mga TNBs para ibsan ang krisis.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Pati na ang pagtaas ng mga buwis para sa mga ordinaryong mamamayan, di sa mga mayayaman, ay ginawa ng mga naluluging pamahalaan dahil sa kagagawan din ng mga TNBs at Investment Houses ng bumagsak ang palengkeng pinansiyal ng monopolyo kapitalismo ng E.U. noong 2008.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang mga myembro ng Eurozone na mas matinding naapekto nitong krisis sa pinansiya ay ang Gresiya, Espana, Portugal, Ireland, at Italya. Ang mga bansang ito ay humihingi ng tulong sa ibang bansa sa Eurozone(gumagamit ng euro at may 17 ang bilang) kagaya ng Germany at Pransiya para sila ay pautangin. Sa likod nitong pagpapautang ay ang IMF.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Sa Espanya, milyung mga tinatawag na Indignantes ay nagmartsa para batikusin ang patakaran ng kanilang gobyerno sa pagkaltas sa badyet ng serbisyong sosyal.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Sa Gresiya, may mga namatay at nagsunog sa sarili sa mga protesta laban sa kanilang maka-kapitalistang pamahalaan.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Sa Inglatera, nagkaroon ng mga malawakang demonstrasyon noong Augusto, 2011, sa maraming lungsod, London, Liverpook, Birmingham, Manchester at iba pa na nahantong sa mga riot na pinapabayaan ng mga pulis dahil ang sahod ng huli ay binabawasan din. Sabi ng prime minister ng Inglatera, mga hooligan daw ang mga demonstrador ngunit kasama dito pati ang mga nanay nawalan ng trabaho ang mga asawa.

<!–[if !supportLists]–> 7. <!–[endif]–> Sa E.U. sumiklab ang Occupy Wall St. Movement noong septyembre, 2011, kung saan ang mga nawalan ng trabaho at iba pa ay nagkampo sa harap ng Wall St. at nakipaglaban sa mga pulis.

<!–[if !supportLists]–> 8. <!–[endif]–> Kumalat ang Occupy Wall St. Movement sa Occupy Boston, Occupy San Francisco, Occupy Chicago, atbp. Kahit na sa labas ng E.U., nagkaroon ng Occupy Tokyo at Occupy Taiwan.

<!–[if !supportLists]–> 9. <!–[endif]–> Ang Occupy Wall St. Movement ay protesta ng 99% mamamayang Amerikano na apektado ng krisis sa pinansiya laban sa !% na mga mayayaman, sa partikular mga monopolyo kapitalista, na siyang nag-umpisa ng krisis at unang nabibiyayahan naman ng tulong ng kapitalistang gobyerno nila sa pamamagitan ng mga bail-out.

<!–[if !supportLists]–> 10. <!–[endif]–> Hanggang ngayon, ang mga demonstrasyon ng mga mamamayan ng daigdig laban sa kapitalismo ay nagpapatuloy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MGA PILING BABASAHIN

Brenner, Robert, The Economics of Turbulence, New Left Review, 1998.*

Bruin, Janet, “Global Crisis”, Institute of Political Economy Journal, No. 2, March, 1996.

Lenin, V.I. Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, Progress Publisher.*

Mao-tse-tung, Selected Readings, Part One, Anglo Chinese Educational Institute, London, 1971.*

Marx, Karl, Capital, Third Volume, Progress Publisher.*

Mommsen, Wolfgang, Theories of Imperialism, trans. D.S. Talla, Random House, New York, 1980.

Nabudere, Dan, The Political Economy of Imperialism, Zed Press, 1977.*

Omerod, Paul, The Death of Economics, Faber & Faber, London, 1994.

Pao-yu-Ching, “Challenging the Conventional Wisdom on the Causes and Cures of the Current Economic Crises”, Institute of Political Economy Journals, July 2010.

Sison, Jose Maria, “From Corporate Bailouts to Austerity Measures: Shifting Further the Burden of Crisis to the People”, Institute of Political Economy Journals, July 2010.

Todaro, Michael, Economic Development in the Third World, Longman, 1989, 4th edition.*

Tujan, Antonio, Globalizing the Philippines, Institute of Political Economy Journals,September, 1996.

Villegas, Edberto, Global Finance Capital and the Philippine Financial Sysstem Institute of Political Economy, 2000. *

Villegas, Edberto, “The Irrationality of Monopoly Capitalism”, Institute of Political Economy Journals, July 2010.*

BAHAGI III

Ang US Military- Industrial Complex

Ang US Military -Industrial Complex ay ang grupo ng mga korporasyon sa Estado Unidos na kasali sa pagawa ng mga kasangkapan pandigma, hal. nuclear weapon, eroplano, barko, submarino, bomba, bala, armas, atbp. Saklaw din nito ang mga pagawaan kahit na ng mga papel, turnilyo at siyempre mga computer na ginagamit ng Hukbong Sandatahan ng E.U. Ang isang mga nangungunang TNCs dito ay yun nasa negosyo na nagbubungkal at nagproposeso ng langis para sa gasolina at iba bang produkto mula sa langis na kailangan sa digmaan. Ang military industrial complex.ay siyang pinakamataas na manipestasyon ng monopolyo kapitalismo sa E.U. at kinokontrol ng mga nangungunang pamilya ng burgesiya sa bansang ito.

A. Ang US Military-Industrial complex sa pamamagitan ng gobyerno ng E.U. ay siyang naglulunsad ng mga digmaan imperyalistang laban sa ibang bansa.

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Ang gobyerno ng E.U. ay nagbibigay ng mga kontrata sa mga korporasyon ng Military Industrial Complex upang gumawa ng mga kagamitan pandigma. Bilyun-bilyun halaga ng mga kontrata ang nakukuha ng grupong ito mula sa gobyerno nila.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Ang ilang nangungunang mga korporasyon dito ay McDonnel Douglas, Lockheed, Martin Marietta, GM, Raytheon, United Technologies, Northrop, General Dynamics at Boeing.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang mga pinakamataas na komite na nangangasiwa sa mga estratehiya at taktika ng US Military Industrial complex ay ang Council of Foreign Relations, Trilateral Commission at ang Bilderberg Group na binubuo ng mga CEOs ng mga TNCs sa Amerika at mga matataas na opisyal ng pamahalaan ng E.U.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Malaking porsiyento ng badget ng gobyerno ng E.U. ay napunta sa Military Industrial complex sa kapahamakan ng mga ordinaryong Amerikano kung saan ang pondo sa serbisyo sosyal para sa kanila, kagaya ng sa edukasyon at pagpagamot, ay binabawasan.

<!–[if !supportLists]–> B. <!–[endif]–> Sa Interes ng US M ilitary Industrial Complex mainam ng may laging gera ang E.U. at ibang bansa na bumibili ng mga kagamitan pandigma mula sa Amerika

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Kung may krisis pang-ekonomiya ang monopolyo kapitalismo ng E.U. ay nakakabangon muli kung magkakaroon ng mga bagong digmaan na ilulunsad ng kanilang gobyerno.(Natalakay na natin ito sa itaas)

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Naglilikha din ng tensyon ang mga institutisyon kontrolado ng US Mil-Ind complex, partikular ang CIA, sa iba’t-ibang lugar ng daigdig para patuloy bumili ng mga kagamitan pandigma ang ibang bansa. Halimbawa nito ay ang gera ng Iraq at Iran noong 1979-1989 kung saan nagbenta ng mga armas ang Mil-Ind complex sa dalawang bansa nagsasalpukan. Sa kasalukayan, ang tensyon ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough Shoal kung saan ang E.U. ay nagbebenta ng mga kagamitan pandigma sa dalawang bansang ito.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang E. U. ay siyang pinakamaraming digmaan sinalihan mula sumulpot noong siglo 20th ang monopolyo kapitalismo o imperyalismo sa bayang ito – digmaan sa Cuba at Pilipinas(1898-1902),Unang Digmaan Pandaidigan(1914-1918)

Pangalawang Digmaan Pandaigdigan(1941-1945), Korean War(1950-1953), Vietnam War(1968-1975), First Iraq War(1990-1991), 2nd Iraq War(2001-2002), Afghanistan War(2001-kasalukuyan), at ang tinatawag niyang War on Terror(2001-kasalukuyan).

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Bukod sa mga nilunsad na gerang nabanggit, ang imperyalistang gobyerno ng E.U. ay nagpapadala ng pwersa military para protektahin ang interes ng monopolyo kapitalismo sa ibang bansa,– Guatemala(1951),Cuba(1962),sa Gitnang Silangan(1970-kasalakuyan), Panama(1990), Somalia(1992), Haiti(2002), at Grenada.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Yung panahon na tinatawag ng E.U. na Cold War(1950-1991), kumita din ang US military industrial complex ng limpak-limpak na salapi sa paggawa ng mga nuclear weapon at iba pang kasangkapan pandigma.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Ang E.U. ay siyang nangungunang tiga-benta ng mga armas at iba pang kasangkapan pandigma sa buong daigdig. Ito ang nangungunang negosyo ng mopolyo kapitalismo sa bayang ito, talo pa ang negosyo niya sa langis.

<!–[if !supportLists]–> 7. <!–[endif]–> Ang Filipino-American War, kung saan may mga 1.5 milyung Pilipino ang nasawi, ay nagumpisa ng sadyang pinasabog ng Hukbong Sandatahang E.U. ang barko niyang “Maine” na nakadaung sa port ng Havana noong 1898 at binentang ito sa Espanya. Ginawa ng E.U. itong dahilan upang salakayin ang pwersa ng mga Kastila sa Manila Bay noong taon ding yun.

<!–[if !supportLists]–> 8. <!–[endif]–> Ang taktika ng pamumuno ng US Military Industrial complex ay mag-instiga o gumawa mismo ng mga aksyon para magkaroon ng mga digmaan – ang pagsabog sa “Maine”, ang paghahayaang bombahin ang Seventh Fleet sa Pearl Harbo ng mga Hapon noong 1941 na nagumpisa sa pagsali ng Kano sa World War II, ang sadyang pag-torpedo niya sa barko niya sa Tonkin Gulf malapit sa Vietnam na nagumpisa ng pagpasok E.U. sa Vietnam war, ang Operation Northwoods laban sa Cuba na papabagsakin sana ng US Air Force ang isang US commercial airplane na di natuloy, at ang pagpabasak sa World Trade Center noong 911(tinalakay na natin ito sa itaas)

<!–[if !supportLists]–> 9. <!–[endif]–> Ang imperyalistang gobyerno ng E.U. ay mahilig umimbento ng mga bagong kaaway para sa interes ng Military Industrial Complex – “rogue state”(Iran, Cuba, North Korea), “War on Terror”(lahat ay maaaring maging kaaway basta binansagan ka ng “terorista”)

<!–[if !supportLists]–> C. <!–[endif]–> Ang Aktibidades ng US Military Industrial Complex sa Pilipinas

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Sa pamamagitan ng US Military Bases Agreement(1946-1991), natayo ng E.U. ang pinakamalaki sa labas ng kanyang teritoryo na paliparan ng eroplano ng kanyang Air Force sa Clark Field, Pampanga, at pinakamalaking daungan(port) ng barko ng kanyang Navy sa Subic Bay(Zambales). Bukod sa pagbabantay niya sa Pacific Ocean para protektahin ang paglakbay ng mga oil tanker ng mga kapitalistang Kano punta at galing sa Gitnang Silangan, ginagawa din ng mga baseng ito mapigilan ang mga pag-alsa ng mga Pilipino laban sa hawak ng Kanong gobyerno sa bayan.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Pagka-wakas ng US Military Bases Agreement noong 1991, pinalitan ito ng imperyalistang Kano ng Visiting Forces Agreement(VFA) noong 1992, kung saan ang mga port at mga airfield sa buong Pilipinas ay pwede niyang gamitin sa tinatawag niyang mga “military exercises”. Pwede din gumala-gala ang mga sundalo niya sa Pilipinas na walang passport at dala-dala ang kanilang mga armas. Sa madaling salita lalong umigting ang pagiging mala-kolonyal ng Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Sa paligid ng mga dating bases ng E.U. sa Clark Field at Subic naglipala ang mga bar, nightclub at iba pang lugar kung saan binibenta ang mga Pinay na kababaihan sa mga sundalong Kano na nagpapahinga at naghahanap ng “good time”.

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Sa ilalim ng VFA, nagpatuloy ang ganitong kalagayan, kung saan ang mga sundalong Kano ay pinagsasamantalahan ang mga babaeng Pilipina.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Ang pinaka-kontrobersyal na pagsasamantalang ganito ay yun kaso ni Daniel Smith na pagkatapos ma-convict ng rape sa isang Pilipina sa Subic ay tinakas ng American embassy katulong ng gobyernong Pilipino pabalik sa E.U. noong 2006 dahil daw exempted ang mga sundalong Kano sa batas ng Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Sa pag-alis ng mga pwersang Kano sa Clark Field at Subic Bay noong 1991, nag-iwan sila ng mga lasong kemikal(toxic waste) na galing sa kanilang kagamitan pandigma na hanggang ngayon ay di pa nila nililinis sa kapahamakan ng mga tao nakatira sa pagligid ng mga lugar na ito.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Ang Mutual Defense Treaty, nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng E.U. noong 1946, ay nakapa-dejado ang una dahil ini-obliga nito ang Pilipinas na magpadala ka agad ng mga pwersang militar sa mga digmaan ng Kano, kagaya ng sa Korean War, Vietnam war at Iraq War, ngunit di naman automatiko ito sa bahagi ng huli sapagkat kailangan pa aprubahan ng Kongreso ng E.U.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Sa panahon ng mga tinatawag na military exercises ng Pilipinas at E.U. sa teritoryo ng una, inaadbertisa ng huli ang mga bagong kasangkapan niya pandigma, kagaya ng mga night goggle, bagong mahabang armas, helicopter atbp.

<!–[if !supportLists]–> 7. <!–[endif]–> Ang Pilipinas naman ay patuloy bumibili sa ilalim ng Mutual Defense Pact ng mga kasangkapan pandigma mula sa E.U. na siyang pangunahin tigabenta ng mga ito sa una, na karamihan ay mga surplus lamang.

<!–[if !supportLists]–> 8. <!–[endif]–> Mula pa noong naging kolonya ang Pilipinas ng E.U. (1898), hanggang sa kasalukuyan, na kasali ang panahon ng pamahalaan ni Quezon, Roxas, Quirino, Magsaysay, Garcia, Macapagal, Marcos, Cory Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo at Noynoy Aquino, laging dumedepende ang gobyernong Pilipino sa tulong militar ng mga Kano, kaya mala-kolonya pa ang bansa hanggang ngayon.

<!–[if !supportLists]–> 9. <!–[endif]–> Yun panahon ni Marcos(1966-1986), na kasama ang yugto ng martial law(1972-1981), lalong umigting ang kontrol ng pwersang sandatahan ng E.U. sa pwersang sandatahan ng Pilipinas sa pamamagitan ng JUSMAG at CIA. Noong panahon ni Marcos, ang punong himpilan ng CIA sa Asya ay nasa Subic Bay, Zambales.

_______________Ayun sa mga kamag-anak ng dating senador Claro M. Recto, nangunguna tigabatikos ng mga patakaran ng E.U. sa Pilipinas noong panahon 1950-1970, siya ay pinatay ng CIA.

 

 

 

 

 

MGA PILING BABASAHIN

 

Brenner, Robert, The Economics of Global Turbulence, New Left Review, 1998.

Brezinski, Zbigniew, The Grand Chessboard, American Primacy and its Geostrategic Imperatives, Basic Books, 1997.

Galbraith, John Kenneth, The Military-Industrial Complex*

Galabraith, John Kenneth, The New Industrial State, Signet Book, 1967.*

Malonzo, Jennifer del Rosario, “US Military Industrial Complex, A Deeper Look,” Ibon Facts & Figures, Vol. 25, Nos. 7 & 8, 15 & 320, April, 2002.*

Simbulan, Roland, The Bases of Our Insecurity, Balai, 1985.*

Simbulan, Rolaand, The CIA in Manila.

Smith, Hedrick, The Power Game, How WashingtonWorks, Random House, New York, 1988.

Stinnet, Robert, Day of Deceit, 2000.

Villegas, Edberto, “The US Military-Industrial Complex: The Bane of Humanity”, Unmasking the War onTerror, Center for Anti-Imperialist Studies. 2002.*

Williams Mark & Madden, Andrew P. “New Technologies may Revolutionze War”, Red Herring, Aug. , 2001.

Wright-Mills, C. The Power Elite, The Macmillan Co., 1957.*

Zinn, Howard, A People’s History of the United States, 1492-present, revised and updated edition. Harper Perrennial, 1995.

BAHAGI IV

ANG IMPERYALISTANG KULTURA NG E.U. SA PILILPINAS

Ang katangian ng dominanteng Kultura ng E.U. sa Kasalukuyan ay ang tinatawag na popular culture(pop culture) na komersiyalisado. Pagdating ng kapitalismo sa daigdig, naging komersiyalisado ang sining, lalo na sa E.U Ang kultura popular sa pamamagitan ng sine, kanta, cable TV, CDs, DVDs, internet ay nagkaroon na ng mga presyo upang mapanood o papakinggan ng mga tao. Sa puntong ito, masasabi na mas mabuti pa ang kultura para sa mga ordinaryong tao noong panahon ng Matandang Gresiya at pyudalismo kung saan libre ang mga dula at pagbabasa ng mga tula sa pamamagitan ng mga dulaang kalye at tulaang kalye(street plays at public poetry reading).

<!–[if !supportLists]–> A. <!–[endif]–> Sumulpot ang mga TNCs sa sining sa E.U. – ang Warners Times, Universal, Sony, Columbia, atbp.

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Ang katangian ng pop culture sa E.U. ay primarya pang-aliw lamang, indibidwalista, at eskapistista(escapist)

__________________Ang paboritong paksa nito ay ang romansa, pantasiya(Transformer, Spider Man, atbp), aksyon(Bourne series, Indiana Jones series. atbp), sex(maraming halimbawa) at eksistenyalista(Lady Gaga, Maroon 5, metal music, atpb.)

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Ginagawa ng pop culture ng E.U. maging walang interes o pakialam sa pulitika ang mga nanonood o nakikinig(maging a-political sa ingles)

<!–[if !supportLists]–> B. <!–[endif]–> Ang Hegemoniya Kultural(Cultural Hegemony) ng E.U. sa Akademiya ng kanyang mga mala-kolonyal na bansa kagaya ng Pilipinas

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Sa mga akademiya naman, lalo na sa lebel ng kolehiyo, ay menimenteni ng E.U. ang tinatawag ng pilosopong Antonio Gramsci na hegemoniya kultural. Ang cultural hegemony na ito ay yun tinatawag na malabot na pagmamalas ng kontrol(soft power) sa isang lipunan kung kukumpara sa malakas na pamamalas(strong power), ang huli sa pamamagitan ng pwersa ng military, kagaya ng VFA sa Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Ang kultural na hegemoniya sa akademiya ay kaiba sa kultural hegemoniya sa pop culture dahil ang huli ay sa primarya ay para sa pang-aaliw di kagaya ng una na kailangan pag-aralan pa upang maintidihan.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Ang ilang halimbawa ng hegemoniya kultural ng imperyalistang E.U. sa akademiya ay:

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Ang teorya ng neo-klasisismo sa larangan ng economics ng mga Kanong ekonomista, kagaya nina Paul Samuelson, Simon Kuznetz, Milton Friedman, Jeffery Sach na mahilig gumamit ng matematika upang ipaliwanag ang mga nangyayari sa kabuhayan ng mga tao na hiwalay sa mga uri nila. Sa teoryang ito, walang mayaman at walang mahirap.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Sa larangan ng pangangalakal sa ibang bansa ay pinapalangap ang bagong-liberalismo(neo liberalism) nina Mcluhan, Levitt at Stiglizt na binansagan teorya ng globalization(na tinalakay na natin sa itaas).

<!–[if !supportLists]–> c. <!–[endif]–> Sa larangan sa tinatawag ng imperyalistang Kano na political science ay mababanggit ang system theory ni David Easton at strong-weak state theory ni Sckopol at Evans, na hinihiwalay ang istruktura ng gobyerno at estado sa istruktura ng mga lipunan.

<!–[if !supportLists]–> d. <!–[endif]–> Sa larangan naman ng literatura ay ang post-modernist theory na kinuha ng mga Kano sa mga pranses na ginawang pawang walang pakialam sa pulitika nina Richard Rorty, Donal Davidson atbp.

<!–[if !supportLists]–> C. <!–[endif]–> Ang Kaso ng Pilipinas

<!–[if !supportLists]–> 1. <!–[endif]–> Noong ginawang kolonya ng E.U. ang Pilipinas, ang unang ginawa nila ay magpadala ng daan-daang gurong Amerikano ,yun tinatawag na Thomasites (dahil sumakay sila sa barkong Thomas paglakbay sa Pilipinas) upang turuan ang mga Pilipino ng ugali at kostumbre ng mga Amerikano.

<!–[if !supportLists]–> 2. <!–[endif]–> Nagtayo kaagad ang mga Amerikano ng mga paaralan upang humubog ng mga gurong Pilipino na ipapasa naman sa mga estudyante nila ang mga istilong pamumuhay ng mga Kano – ang Philippine Normal College(1908), Philippine Central College(1909), UP(1908) at iba pa.

<!–[if !supportLists]–> 3. <!–[endif]–> Tinuruan ng mga Kano ng ingles ang mga Pilipino na siyang ginawang pangunahing wika ng bayan para makontrol ang kabutiran ng diwa ng mga katutubo. Sa puntong ito, mas mahusay ang E.U. sa kolonisasyon kultural kaysa sa espanyol dahil ang huli ay ayaw ituro ang lenguahe nila sa mga Pilipino.

<!–[if !supportLists]–> 4. <!–[endif]–> Tinatag ng E.U. ang istilo ng kanilang pamahalaan na tawag nila ay liberal na demokrasiya pagkatapos wasakin nila ang gobyernong rebolusyonaryo ng mga Pilipino.

<!–[if !supportLists]–> 5. <!–[endif]–> Pinalakas ng mga Kano ang mga bata nila sa pulitika na nagmumula sa mga kumprador na burgesiya at panginoong may lupa, kagaya nina Quezon, Roxas, Quirino, Montelilbano, Lopez, Ledesma, Magsaysay, Puyat, Arroyo, Cojuanco, at mga representate ng mga uri na ito, kagaya nina Macapagal, Garcia, Estrada, at Ramos. Pinasimulaan ng E.U. ang sistemang pork barrel noong 1930’s para lalong sumunod ang mga alagad nila sa pulitika sa Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> 6. <!–[endif]–> Ang kinalabsan nito ay naging isa sa pinaka-korupt ang mga pulitiko sa Pilipinas sa buong mundo hanggang ngayon(pang-limang pinaka-korupt ayun sa Transparency International.)

<!–[if !supportLists]–> 7. <!–[endif]–> Ang pop-culture sa Pilipinas

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Ang mga paksa sa mga sine, telebisyon, at kanta sa Pilipinas bagaman ay nasa wikang Pilipino ay hango sa E.U., lalo na sa Hollywood, hal. “Ang Pinoy Idol” ay katumbas ng “American Idol” at ang “Gagamboy” ay katumbas naman ng “Spider Man”. May “cowboy” movie din sa Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Ngunit may progresibong elemento sa musika ng Kano na pwedeng gamitin ng mga artistang Pilipino kagaya ng mga protest songs at rap music. Ang protest songs ng mga Kano laban sa Vietnam war kagaya ng kina Joan Baez at Bob Dylan ay nagagamit ng mga aktibistang Pinoy . At ang mga rap song ng mga African-American laban sa pagsasamantala ng lipunang puti sa bansa nila ay maaaring lagyan ng mga radikal na laman upang kalabanin ang pang-aapi ng mga dominanteng uri sa Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> c. <!–[endif]–> Ang mga kumprador na burgesiya sa Pilipinas sa partikular sina Henry Sy at Gregorio Araneta ay siyang pasimuno ng pagpalaganap ng pop culture ng E.U. sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga konserto sa Mall of Asia(MOA) at Smart Araneta Center.

<!–[if !supportLists]–> d. <!–[endif]–> Pati na ang mga Korean telenobela na hango din sa pop culture ng Kano lalo na sa larangan ng romansa ay nagiging uso din sa Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> 8. <!–[endif]–> Kahit na ang tinatawag na high culture(mas malalim sa pop culture at minsan ay may mensahe sosyal) ay ang mga mayayaman lamang, na wala naman interest palitan sa kabuoan ang kasalakuyang sistema, ang nakakapanood dahil ito’y ay komersiyalisado din sa ilalim ng imperyalismong kultura ng E.U., halimbawa ang “Ang Phantom of the Opera” at “ The Sound of Music”. Nakapamahal ang mga tiket upang manood dito na wala sa abot kaya ng ordinaryong mamamayang Pilipino.

<!–[if !supportLists]–> 9. <!–[endif]–> Ang kultural na hegemoniya ng Imperyalistang Kano sa akademiya ng Pilipinas:

<!–[if !supportLists]–> a. <!–[endif]–> Ang pangunahing lugar na kultural na hegemoniya ng Kano sa akademiya sa Pilipinas ay sa University of the Philippines, lalo na sa School of Economics, kung saan ang teorya ng globalization ay pinapalaganap at ipinagtatanggol.

<!–[if !supportLists]–> b. <!–[endif]–> Ang mga gradwet sa UP na may pananaw maka-Kano sa kanilang teorya ay kadalasan siyang nirerekruta sa mga ahensiya ng pamahalaan, hal. sa Bangko Sentral ng Pilipinas, NEDA, Department of Trade, Board of Investment, Department of Finance, BIR at iba pang sensitibong posisyon para panatiliin ang mga interest sa negosyo ng mga TNC ng E.U. sa Pilipinas.

<!–[if !supportLists]–> c. <!–[endif]–> Sa Department of Political Science at Department of English and Literature sa UP Diliman ay kinakalat din ang teorya nina Skocpol at mga post-modernista.

<!–[if !supportLists]–> d. <!–[endif]–> Kahit na sa mga pribadong unibersidad kagaya ng Ateneo at De la Salle, laganap din ang mga teorya ng mga alagad ng imperyalistang Kano sa larangan ng economics, political science at literatura.

<!–[if !supportLists]–> e. <!–[endif]–> Sa kabutihang palad, ang mga teorya nabanggit sa akademiya ay di masyadong kilala ng masang Pilipino na siya naman ang pangunahing biktima ng pop culture ng Kano.

 

 

 

MGA PILING BABASAHIN

Constantino, Renato, The Mis-education of the Filipinno, (a monograph), Foundation for Nationalist Studies.*

Constantino, Renato, The Making of the Filipino, (a monograph), Foundation for Nationalist Studies.*

Fischer, Ernst. The Necessity of Art, A Marxist Approach, A Pelican Original, 1970.*

Hostillos, Lucila, “Nationalism and Southeast Asian Literature”, The Philippines in the Third World Studies, No. 3, Third World Studies Program, UP Diliman.

Mula Tore, Patungong Palengke, Neoliberal Education in the Philippines, ed. by Lumbera, Bienvenido, Guillermo, Ramon & Alamon, Arnold, IBON Foundation, 2007.*

Philosophy: End or Transformation, ed. Baynes, Kenneth, Bohman, James & McCarthy, The MIT Press, 1987.

Reyes, Solidad “The Novel as a Reflector of Class Consciousness”, The Philippines in the Third World Studies Program, UP Diliman.

Samson, Laura, “Images of Mystification and Demystification of the Philippine Popular Literature”, The Philippines in Third World Series, No. 2 Third World Studies Program, UP Diliman.

The date posted here is due to our website rebuild, it does not reflect the original date this article was posted. This article was originally posted in Yonip on Nov. 17th 2012

paisbanner

To view more articles in this category click on the Image.

   

 

Sorry, the comment form is closed at this time.