
| YONIP LIBRARY SECTION - VISITING FORCES AGREEMENT AND BALIKATAN EXERCISES |
|
Friends:
Here is Part 3 of the highlights of the 2011 Gathering of Defenders
of Sovereignty.
KEYNOTE MESSAGE AND REFLECTION:
MGA
REPLEKSYON AT ARAL SA SOBERANYA
(Reflections & Lesson on Sovereignty)
ni Roland G. Simbulan
Hindi po totoo ang haka hakang iniskedyul ang okasyong ito sa April
8 dahil sa aking kaarawan. Hindi rin po totoo na ang kainan mamaya
ay blowout ko.
Ang taong ito (2011), ay 150 taon mula nang isilang ang ating
bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa Sept. 2011, 20 taon na mula nang
ibasura ng Senado ng Pilipinas -- at gayun din ng Republika ng
Pilipinas -- ang RP-US Bases Treaty. Ang makasaysayang
resolusyong ito ang siyang nagsara sa mga pinaka-malaking U.S. Air
Force Base and U.S. Naval Base sa labas ng Estados Unidos.
Walang saysay ang reunion at pagtitipong ito kung hindi tayo
matututo sa mga naani nating aral sa ating pakikibaka sa
pagpapatalsik sa mga dambuhalang base militar ng Estados Unidos sa
Pilipinas.
Noong Sept. 10, 1991, bisperas ito ng pagpapatalsik ng base militar
sa Pilipinas, dinalaw ko sa umaga, at nakausap sa kanyang bahay sa
New Manila, ang isa sa mga haligi ng nasyonalismo sa ating bansa -
ang yumaong makabayang Senador na si Lorenzo M. Tanada, o Ka Tanny,
tulad ng palayaw namin sa kanya. Pinuntahan ko siya upang humingi ng
payo mula sa balon ng kanyang napakalawak na karanasan at matalas na
perspektiba para sa soberanya ng ating Republika. Sabi ni Ka Tanny,
matagal na siyang nag-aalala sa pagkaka-hati-hati ng kilusang
progresibo mula pa noong 1960s. Pero aniya, kung magagawa ng mga
pwersa ng progresibo ang pagkaisahin ang kanilang hanay, para sa
pinaka-malawak na nagkakaisang prente laban sa Bases Treaty,
naniniwala siya na tiyak ang ating TAGUMPAY. Tiyak ang ating
tagumpay sa anumang makabayang adhikain para sa pagsulong ng
soberanya laban sa mga dayuhang interes.
Aniya, ginagawa ng kaaway natin ang lahat ng paraan upang hatiin
ang ating hanay at isa-isa tayong durugin. Mas madaling gawin nila
ito pag tayo ay watak-watak at hindi nagkakaisa.
1. KAYA, ANG UNANG ARAL AY ANG WALANG HUMPAY NA PAGKAKAISA - KAHIT
NA TAKTIKAL NA PAGKAKAISA --- NG LAHAT NG MGA PROGRESIBO AT
ANTI-IMPERYALISTANG PWERSA.
The forces of imperialist globalization and their ideologues
continue to dominate the globalization discourse because nationalist
and progressive forces are divided and are busy with their
intramurals.
Kailangan magkaisa muli ang LAHAT ng mga pwersang anti-imperyalista
sa Pilipinas. Kung ang mga magkatunggaling pwersa ng Red Army ni Mao
ZeDong, at reaksyonaryong Koumintang ni Gen. Chiang Kai Shek ay
nakuhang magkaisa laban sa pananalakay at okupasyon ng Hapon sa
Tsina noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tayo pa kaya na matagal
nang nagsama sa mga pinaka-matinding panahon ng diktadurang
U.S.-Marcos? Pagsasamang pinanday ng pagdukot, pag-aresto at
tortyur -- sa loob ng mga kulungan at safehouses --ng malupit na
diktadurya?
Kailangan nating pagtulungang iangat ang bansa na inaapoy ng lagnat
ng kahirapan at pagsasamantala, upang isalba ito mula sa dambuhalang
pwersa ng pakikialam at interbensiyon ng Estados Unidos. Ang
elitistang oligarkiya ang siyang kasabwat ng mga dayuhang interes,
kaya bakit tayo makikipag-alyado sa oligarkiya habang inaaway ang
mga kapwa progresibo at anti-imperyalistang pwersa?
The
Economically and socially, the
2. ANG PANGALAWANG ARAL NA DAPAT NATING MATUTUNAN SA NAKARAAN AY
ANG PANGANGAILANGANG MAUNAWAAN NANG LUBOS KUNG PAANO GAMITIN ANG MGA
INSTITUSYON NG PAMAHALAAN, AT MGA PROSESONG LEGAL UPANG ITULAK NANG
EPEKTIBO ANG ADHIKAIN AT INTERES NG MAMAMAYAN.
Noong Sept. 16, 1991, nakasama natin ang isang maka-imperyalista at
konserbatibong institusyon tulad ng Senado ng Pilipinas, na ibasura
ang RP-US Bases Treaty. Ang ipinamalas na lakas at pagkakaisa ng
mamamamayang lumalaban para sa soberanya ang nagkumbinsi sa Senado
na bumoto para sa soberanya at interes ng Pilipinas. Dapat
lagutin ang monopolyo ng ating lokal na oligarkiya sa gubyerno, na
matagal nang nagbebenta ng pambansang karangalan at soberanya sa mga
dayuhang interes. At hindi lahat ng nasa gubyerno ay hawak sa ilong
ng mga dayuhan at nagsisilbing Trojan Horse para sa mga
mapagsamantalang oligarkiya.
From the very basic community level, including at the local
government units, people's organizations can work collectively with
the people to influence these local governments to solve local and
common problems and gain access to needed services. People learn to
be EMPOWERED when they are able to gain control of their own lives,
when they become conscious of what they can do together to address
social injustice, human rights violations, and even to challenge
elite or oligarchical rule. This empowering community consciousness
can merge into a national consciousness, that can advance and defend
the national interest, and national sovereignty,when these are
threatened.
3. IKATLO, KAILANGAN DIN NATING IHANDA ANG BAGONG HENERASYON NG MGA
KABATAAN
Let us nurture a new generation of young Filipino nationalists from
the masses who can be antidotes to the discredited and corrupt
leaders of the oligarchy. These young patriots should not only be
able to expose the evangelists of globalization in our midst, but
can serve as catalyzers for raising the consciousness of our people,
and be able to mobilize social movements in defense of the nation's
interests. In our educational institutions, we need to train more
young nationalist scholars, in the service of the Filipino people.
It is unfortunate that after the Cold War, there has been a decline
of the progressive articulation of an ALTERNATIVE VIEW from the
perspective of the masses, of the South countries-- an alternative
to the world order of international capitalism and the neoliberal
economic order. The Filipino nation and its people have the right to
develop an alternative to the imperialist paradigm of globalization:
a world view based on a viable vision anchored on people-centered,
sustainable and participatory development. I think that this is a
reality and material force that is now being realized right in the
backyard of the U.S. Empire --in Latin America led by
Finally, let me state and emphasize that only an empowered people
can be truly sovereign. Only they can create a truly responsive and
accountable government, and accountable first and foremost to the
nation, not to foreign corporate interests or foreign governments.
This is what we mean by a truly self-determined and sovereign
nation.
Mabuhay!
Part 4 coming up soon
|
| © YONIP.COM - Permission to copy is granted, conditional to providing proper credits to the author and YONIP.COM. |