Mar 102013
 

Renato Constantino, Jr. — Reliving September 16, 1991

Ang Bahay ng Alumni, UP Diliman

 


 

Sa sitwasyong hinaharap ng ating bayan ngayon, masarap magmuni-muni at alalahanin ang mga matatamis na araw ng ating sama-samang pakilos laban sa tratadong magpapatuloy ng US Military Bases sa ating lupain. Matamis, sapagkat kahit anong hirap, banta’t panganib ang ating hinarap noon, lahat tayo’y sama-samang nanindigan sa soberanya ng ating bayan. Hindi tayo nasindak sa malalakas na puwersang nakaumang sa atin.

Sumanib sa Anti-Baseng Kilusang Demokratiko (Abakada) halos lahat ng mga indibidwal at pwersang tutol sa mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Hindi tayo naghusga kung sino dapat kasama at kung sino ang hindi. We all agreed that tomorrow’s battles would not be fought on this front or on this day. Kaya’t lantarang kaanib ang mga may kakaibang pananaw labas sa usaping ito tulad nina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Joseph Estrada, at Sen. Bobby Tañada.

 

 

Maraming pumuna sa ating laban na masyadong mataas ang isyu ng soberanya para sa taumbayan. Ngunit tinuloy natin ang isang principled and focused struggle laban sa base militar upang mahikayat ang higit na nakararami sa ating mga mamamayan at sa ating mga senador.

 

Sa buong anti-bases campaign, liban sa Setyembre 16, 1991, isang araw ang higit na matingkad sa aking alaala.

 

May naunang naitakdang pagkilos sa Setyembre 10, 1991 ang Abakada sa Senado. Subalit, bilang panghuling hirit ng mga maka-base militar sa Malakanyang, at upang maipakita daw sa mga Senador ang higit na nakararaming mamamayang tutol sa pagpapalayas sa mga base militar ng US, nanawagan ang Presidente mismo ng isang dambuhalang rally sa Luneta sa araw ding ‘yon.

 

Nag-alangan ang organized forces ng Abakada na sabayan ang administrasyon. Ibig iurong ang naitakdang pagkilos at sa araw na lang daw ng botohan gawin ang pagkilos ng ating hanay –- bilang indignation rally. Maaalala ito ni Congressman Crispin Beltran at ni Konsehal Nat Santiago.

 

Hindi ito tinanggap sa loob ng Abakada ng ilang matitigas ang ulo (kasama na ako doon). Sabi namin: Hindi dapat umatras kahit punuin pa ng pro-bases ng daan daang libo ang Luneta.

 

Sabi namin: Kahit iilan lang tayo, kulang man sa pondo o sapat na panahong maghanda, matatag at matapat tayong maninindigan.

 

Matapos ang mahaba at mainit na talakayan sa PCED sa isang pulong na pinanguluhan ni Sen. Bobby Tañada, napagpasyahan na tuloy ang pagkilos at tinaya na aabot sa 10,000 ang bilang nga mga demonstrador.

 

Ilang bagay ang natatandaan ko noong araw na ‘yon. Umulan ng malakas. Nakamit man o hindi yung daan-libong hakot na inaasahan ng Malakanyang, naglaho silang parang bula nang bumuhos ang ulan. Ngunit sa ating hanay, walang pumalag, bagkus parang lalong dumiretso pa ang tindig. Determinado. Palaban.

 

Yung inaasahang 10,000… umabot ng 40,000! Kahit walang pager at text pa noon at hindi trendy ang maging anti-bases, maraming mga ordinaryong mamamayan mula sa iba’t ibang hanay ng ating lipunan ang sumamang mag-martsa sa Senado! Nakita natin noon na dama at batid din ng di organisadong mamamayan ang usaping ito. At handa rin silang kumilos.

 

While there was no certitude then that there would be enough Senators that would vote to abrogate the Military Bases Agreement, on September 10, 1991, I wore a white shirt that day as a personal statement of hope that the anti-bases struggle would see victory on September 16, 1991.

 

Noong araw ding ‘yon, habang kami’y nakikipagnego, tinangkang kunin si Nat Santiago ng mga bataan ni Hen. Totoy Diokno ng WPD. Nakipaghilahan ako sa kanila kay Nat. Hinuli tuloy kaming dalawa. Pero pinakawalan din naman kami pagkatapos at nakabalik kami sa hanay ng mga demonstrador. Tinitiyak ko sa inyo na wala na sa aking aparador yung puting polo na ‘yon.

 

The anti-bases struggle holds three poignant lessons for me:

 

  1. The progressive forces were able to achieve what had seemed to many to be unattainable because of their unity and focus on the issue at hand.

  2. An unrelenting education and information drive to bring the issue to the people bore fruit. How else can one explain the 30,000 ordinary citizens that joined the September 10 anti-bases rally. We forgot to trust ourselves and the people’s capacity to understand the issue of sovereignty.

  3. After the historic, triumphant vote on September 16, 1991 we rested on our laurels; got sidetracked by divisiveness within our ranks; the urgency to continue an education and information campaign on current issues from the people’s perspective was lost. Instead of consolidating our gains, we went on fighting tomorrow’s wars and not the day’s battles.

 

Thus we find ourselves in the position we are in today.

 

It is my hope, though, that these lessons have not been lost on all of us. If we had been able to do it then, perhaps we can do so again…. but only if we can sidestep the battles among ourselves and concentrate our joint energies on the real cause of our nation’s poverty and underdevelopment.

 

Mga kaibigan at mga kasama, wala nang ibang paraan.

 

The date posted here is due to our website rebuild, it does not reflect the original date this article was posted. This article was originally posted in Yonip in 2002

 

 

mdocbanner

To view more articles in this category click on the Image

   

 

Sorry, the comment form is closed at this time.