Dec 162016
 

Note: This poem, composed by the author on Feb. 28, 2009 while observing the sunset at Masinloc Bay, Zambales, was first read by the author at Conspiracy Cafe, April 7, 2009.

ALON AT HABAGAT
ni
Roland G. Simbulan

Umaalon sa tabing dagat
Sa ihip ng hanging habagat
Kasalukuyang sumisiklab ang araw
Iniilagan ng tanikalang
Nakasakal sa atin.

Ang hanging habagat ay dumadampi
Sa mga pisngi ng niyog na tabingdagat.
Sa VFA, dayuhang barko’t eroplano
Ay gapos sa taumbayan
Nagpipista sa kamunduhan.

Bakuran man nila ang lupa
Bakuran din nila ang ating paligid-dagat
Angkinin man ng sundalong dayuhan lahat lahat
Binubugbog ng tadyak, palo ng agos
Baya’y ginagahasa ng armadong dayuhan.

Gobyernong bugaw
Alipin ng tropang dayuhan
Kaalinsabay ng pagkawasak
Parang kahoy na nabubulok

   

 

Sorry, the comment form is closed at this time.